Malago Forum
 
*
Welcome, Guest. Please login or register.
Did you miss your activation email?
September 20, 2019, 08:58:33 PM


Login with username, password and session length


MALAGO SHOUTBOX
September 09, 2019, 03:07:28 PM japphi - ShoutBox lang po dito.Wala pong makakasagot.Gawa po kayo nang New Topic ninyo.
September 04, 2019, 05:51:19 PM datcom - sana may sumagot sa tanong ko po. salamat guys
September 04, 2019, 05:49:52 PM datcom - may karapatan ba mag reklamo ang trainee dito sa japan kapag lagi nlng minmur at snisgwn ng japanese
August 27, 2019, 12:09:34 PM japphi - Gawa po kayo nang bagong Topic o Thread para sa Katanungan ninyo.Dito po ay Shout Box lang.
August 27, 2019, 12:06:26 PM japphi - Sa may mga Katanungan po,pindutin ang FORUM sa may bandang kaliwa sa itaas at piliin ang tamang Topi
August 27, 2019, 05:47:06 AM Davicktor - Di ko alam, Kung tamang lugar to, pero naghahanap ako ng Asawa para makakuwa ng housing sa military.
August 16, 2019, 12:54:57 PM Vhea - Question about re-entry permit holding spouse visa
August 14, 2019, 10:49:47 PM Amies - Pahingi Annan akong advice anu po bang mgandang gawin msma pagapply ng COE magchange status muna un 
August 13, 2019, 07:23:50 PM Ryuki - Mahirap po ba ang exam s driving test ng 50 mon?
August 13, 2019, 07:21:23 PM Ryuki - Driving test
View All
Pages: [1]   Go Down
  Print  
Author Topic: inheritance mula sa namatay, paano ginagawa?  (Read 326 times)
0 Members and 1 Guest are viewing this topic.
iammaan
MF Newbie
*
Offline Offline

Posts: 23


« on: May 30, 2019, 04:34:23 PM »

Hello po sa inyong lahat. Hindi po ako sure kng tama ang forum na ito about sa concern ko. May anak ako ako sa japanese. Matagal na wlang communication. After 14 years na wlang communication sa tatay nya, nakareceived po kami ng letter mula sa half brother nya na japanese , hinahanap nya pla ang kapatid nya. Pinaalam nya sa anak ko na namatay na ang tatay nilang hapn. Gusto daw kami makausap tung sa properties na naiwan ng lolo at tatay nila. papadalhan nya daw kami ng letter of consultation about inheritance.Anu po yun? Ang question ko po, may naka experience na po ng ganitong scenario, hindi kami kasala ng hapon pero naka ninchi ang anak ko, at paano nya din po kaya natagpuan ang address namin sa Pilipinas. Sana po may makapansin. Salamat
« Last Edit: May 31, 2019, 12:09:54 PM by striver » Logged
Yogimeek
PINOY AKO
MF Hero Member
*****
Online Online

Gender: Female
Posts: 2,163


Final Fantasy


« Reply #1 on: May 31, 2019, 08:27:19 AM »



possible na scam yan.

inheritance ng lolo at tatay?


since hindi kayo residence ng japan, mahirap siguro ang transfer ng inheritance kasi may katumbas na tax yan tulad ng Inheritance Tax at Capital Gain Tax. So kung wala juminhyo (residence certificate) dito sa japan, paano maniningil ng tax ang gobierno?

Saka hindi nyo kilala ang pagkatao nung lolo, baka mas madami ang utang nya kaysa yaman.
kapag tinanggap nyo ang mana, kayo bale ang sasalo ng mga utang...
so may risk ang pagtanggap ng mana.  Ganyan din sa philippine law.

At since may mga half siblings pala ang tatay ng anak mo,
sa pinaka-malapot na dugo magsisimula ang pag-prioritization 1,2,3,4.....

Pagkamatay aabutin pa ng isa o dalawang taon bago madecide kung sino-sino ang pamilya kasi i-te-trace pa ang Kosekitohon ng namatay, ancestry at mga may legal right na nasa Kosekitohon ng namatay.  halimbawa:
1. legal na asawa nung namatay,
2. legal na mga anak nung namatay,
3. nanay & tatay nung namatay,
4. mga kapatid nung namatay,
5. mga tito at tita nung namatay.
Kung patay na ang anak nung namatay next ay mga anak nun, or apo for short, nung namatay.

Madaming din japanese ang ni-re-reject ang pagtanggap ng inheritance dahil ayaw nila magkaroon ng responsibility sa naiwan ng namatay... halimbawa utang baka may biglang humabol, mga taxes na kailangan bayara, hindi close sa isa't-isa, ....so forth and so on.

Kapag tatay ng anak mo ang namatay, maaring makatanggap ang anak mo pero since nakatira sa pilipinas, ewan ko lang.

Manggagaling sa isang lawyer ang sulat. search nyo sa internet ang credibility ng lawyer at office nya.
kapag hindi nyo makita sa internet, isipin nyo scam yan.

Normally, ang decision kung sino-sino ang may right sa mana ay lalabas after ma-trace ang Kosekitohon at ancestry ng namatay. Based sa experience ng husband ko, inabot ng 2 years.

Calm down lang kayo dahil napakadaming "sagishi", scammer na Hapon ngayon dyan sa Pilipinas, dito din sa japan syempre madami. "Sagi"manloko ang bagong business nila kasi bihira ang mag-iisip na gagawa ng panloloko ang mga Hapon dahil sa image nila na "honest".  wala na ngayon yon toothy8.


Logged
iammaan
MF Newbie
*
Offline Offline

Posts: 23


« Reply #2 on: May 31, 2019, 11:27:20 PM »

Salamat sa pag sagot, kalma lang naman kami and ndi nmn agad naniniwaa so no problem about that thumbup...naishare ko lang din dito sa forum baka may naka experience na ng ganung scenario... Salamat ulit na explanation
Logged
jhemie
MF Member
**
Offline Offline

Posts: 108


« Reply #3 on: June 01, 2019, 06:45:23 PM »

Makikisabat po dito, ang alam ko kapag nasa Kosekitohon ang name ng anak ng namatay, baka nga meron matanggap sa mana, pero hindi din po ako sure kc Kung hindi po kasal sa nanay ng bata yan ndi ko po alam. Pero kc Kung sino nasa kosekitohon paghahatian nila yung naiwang inheritance ng namatay.
Logged
iammaan
MF Newbie
*
Offline Offline

Posts: 23


« Reply #4 on: June 01, 2019, 10:07:36 PM »

Hello, Hindi nga kami kasal kaya hindi naman ako nag hahabol sa kaht ano meron sya, yung step brother lang ng anak ko ang nag reach out sa amin. japanese citizen anak ko tska nakalagay sya sa kosekitohon kaya siguro nakita nung isang anak. Hindi ko din alam panu nya nalaman dahil matagal na akong wlang communication sa tatay ng anak ako at hindi ako naghabol ng sustento nya. in short wala ako pake sa knya blob2 akala ko nga matagal na patay haha
Logged
Pages: [1]   Go Up
  Print  
 
Jump to:  

Powered by MySQL Powered by PHP Powered by SMF 1.1.1 | SMF © 2006, Simple Machines LLC

? 2007 - 2011 MALAGO Community All rights reserved
Valid XHTML 1.0! Valid CSS! Dilber MC Theme by HarzeM
Page created in 0.133 seconds with 21 queries.