Malago Forum
 
*
Welcome, Guest. Please login or register.
Did you miss your activation email?
July 12, 2020, 06:29:12 AM


Login with username, password and session length


MALAGO SHOUTBOX
July 05, 2020, 10:41:37 AM Sophie - Patulong naman please 
July 05, 2020, 10:41:15 AM Sophie - Sa immigration. Buburuhin ata ako 🥺🥺&... amp;#129402;😭&a... mp;#128557;😭😭
July 05, 2020, 10:40:57 AM Sophie - Kahit wag na niya kami suportahan.okay lang sa aqn. Anu pede ko po gawin?kasi ayaw tlga ako dalhin 
July 05, 2020, 10:40:22 AM Sophie - Ginagawa niya akong tanga.ang akin lang naman okay lang naman basta maisettle niya kami mag ina.
July 05, 2020, 10:39:45 AM Sophie - Sa stress sa kanya.hindi niya ako pinapakain,at kahit sa mga check up ko puro siya nai wa.
July 05, 2020, 10:39:07 AM Sophie - Sa immigration. Ee manganganak na po ako ngayon. Mapapaaga ang panganganak ko dahil abunai na dahil 
July 05, 2020, 10:38:24 AM Sophie - Overstayed po ako. Pero kinasal na ako sa hapon. Ang problema po ndi pa din niya ako isinusurrender
July 05, 2020, 10:37:39 AM Sophie - Hi good morning everyone! May question po sana ako. Regarding sa situation ko ngayon. 
June 28, 2020, 02:01:46 PM avatar joe - Hi to all the members of Malago!!!
April 12, 2020, 10:59:58 AM japphi - STAY HOME and SAVE LIVES…INGAT po tayo palagi.
View All
Pages: [1]   Go Down
  Print  
Author Topic: Mahirap po ba magpakasal sa japanese yakuza  (Read 2363 times)
0 Members and 1 Guest are viewing this topic.
Baby boy katsuda
MF Newbie
*
Offline Offline

Posts: 12


« on: July 27, 2019, 12:05:26 PM »

My bf po ako japanese pero yakuza po sya mg2 years na po kame at magkakababy na po kame.. mahirap po ba makisama sa japanese yakuza or mahihirapan po ba ko kung magpapakasal ako sakanya? Sa pagkakakilala ko naman sakanya mabait naman po kasi sya.. oyabong po sya mejo my rank sya sa yakuza. Hihingi po sana ko ng payo.. iniisip ko po kasi kapag nagpakasal ako sakanya mahirapan lang ako sa documents kasi yakuza po sya.. thank you po sa mga sasagot
Logged
RMitsui
MF Newbie
*
Offline Offline

Posts: 34


« Reply #1 on: August 03, 2019, 06:46:41 PM »

Ikaw na mismo ang nagsabi na mhihirapan ka sa documents na galing sa asawa mo. Isa pa kalimitan nasa watchlist ng immigration at police ang mga yakuza. Better to think wisely bago ka sumabak. Hindi ganun kadali ang papasukin mo at ng magiging anak mo.
Logged
Baby boy katsuda
MF Newbie
*
Offline Offline

Posts: 12


« Reply #2 on: August 04, 2019, 10:00:16 AM »

Salamat Po sa pagsagot at advice ☺️
Logged
japphi
PINOY AKO
MF Hero Member
*****
Online Online

Posts: 2,991


« Reply #3 on: August 20, 2019, 08:01:24 PM »

May kaibigan ako na nagka anak din sa Yakuza noon,pero hindi sila kasal.
sa kwento nya...sa una daw ay okey ang pag sasama nila,mabait kaya nung yayain syang magsama sila ay pumayag sya.
Pero unti unti daw ay nagbago....nung magka anak na sila.
Dahil siguro sa hindi na sya gaanong naaasikaso kasi nga may anak na sila.
Doon na nag umpisang naging impyerno daw ang buhay nya sa bf nyang yakuza.

andoon yung ayaw syang palabasin....sinasaktan sya pag lasing....hanggang sa talagang hindi na sya makalabas talaga...ikinulong daw talaga.
Nakakatawag daw sya sa ilang kaibigan para ibalita ang kalagayan nya...pero hindi nya alam kung paano sya makakatakas.

At nakalabas lang daw sya nung payagan syang magtrabaho ulit sa club nang yakuza din at sya ang kumukuha sa sahod nya.
Doon nya nakilala ang kaibigan namin na Hapon din....at naikwento nya ang buhay nya.
Naawa itong kaibigan namin....nag plano sila na tulungan sya kasama ang anak nya takasan yung yakuza.
At ilalayo nya ang mag ina....delikado na pagsagip sa kanya.

Naitakas nga silang mag ina...dinala sa isang malayong lugar at inupa nang apartment...Nagtrabaho itong kaibigan ko at nag ipon....para mai uwi nya sa Pilipinas yung anak nya para malayo sa panganib.Dahil pag nakita sila nung yakuza ay baka kung ano ang gawin sa kanilag mag-ina.

Sa awa naman nang Diyos ay nai uwi nya yung bata at bumalik sya dito sa Japan para magtrabaho para mabuhay nya ang anak nya.

Sa ngayon ay wala na sya dito sa Japan...nakapag asawa kasi sya nang isang foreigner na tinanggap naman yung mga nakaraan nya at happily married na sya.

Hindi ko sinasabi na llahat nang yakuza ay ganoon....pero hindi na iba sa atin ang mga gawain nila kaya nakakatakot.
Kaya pag isipang maige bago suungan ang isang bagay na alam mo na na pwedeng mangyari pagdating nang araw.
GOD BLESS....
Logged
Baby boy katsuda
MF Newbie
*
Offline Offline

Posts: 12


« Reply #4 on: August 22, 2019, 08:44:40 AM »

Thank you Po ☺️ Pag iisipan ko Po yung sinabi mo.. thank you talaga
Logged
japphi
PINOY AKO
MF Hero Member
*****
Online Online

Posts: 2,991


« Reply #5 on: August 22, 2019, 07:43:45 PM »

Thank you Po ☺️ Pag iisipan ko Po yung sinabi mo.. thank you talaga

Good Luck  🙋
Logged
Yogimeek
PINOY AKO
MF Hero Member
*****
Offline Offline

Gender: Female
Posts: 2,190


Final Fantasy


« Reply #6 on: October 04, 2019, 01:09:49 PM »

Sa Japan, kapag sinabing Y*kza, ibig sabihin grupo ng crime syndikato.
Tawag ng mga lespu sa kanila ay bōryokudan o gokudo.

Kapag ang Y*Kza ay nag-asawa ng foreigner, pinaghihinalaan na para sa "visa" ang kasal na yan
Sa simula pa lang, walang tiwala ang immigration sa credibility ng kasal na yan.

Pagdating sa visa dokuments, sa palagay ko naman tulad ng normal na nihonjin,
maari maapprove ang resident visa ng y*ksa wife basta ba kumpleto ang papeles,
yon nga lang baka matagalan ang processing at approval.

Pagdating sa pag-aapply ng Eiju-ken (PR) mahigpit din siguro.
Ang wife ng ordinary nihonjin, kapag nabigyan ng 3 years visa, permitted na mag-apply ng PR.
Pero kapag Y*kza wife, mahabang panahon ang hihintayin bago ma-allow makapag-apply ng PR.

Pagdating naman sa pag-apply ng Japan Nationality,
ZERO% chance na ma-allow mag-apply. 

Kahit man gustong tumiwalag ng member sa kumi,
hindi basta-basta nakakatiwalag sa grupo ang mga Y*kza member.
tumakas man, hahanapin talaga at siguradong makikita dahil malawak ang network ng Y*kza.

At kung future ng baby ang isasauna, sa palagay ko hindi recommendable na mag-asawa ng K*za.
Mga nihonjin missis ng Y*kza mismo, kapag nagka-anak, madami ang nagririkon dahil nga iniisip ng nanay ang DISADVANTAGES sa future ng anak kapag nakapangalan sa Y*kza na tatay.
Pero kanya-kanyang choice yan.
Natural papangakuan ng papangakuan ang missis na titiwalag para hindi makipag-rikon.
Pero kung pilipina o gaikokujin ang missis, mawawalan ang resident visa kapag nakipag rikon, di ba.
 
Logged
Pages: [1]   Go Up
  Print  
 
Jump to:  

Powered by MySQL Powered by PHP Powered by SMF 1.1.1 | SMF © 2006, Simple Machines LLC

? 2007 - 2011 MALAGO Community All rights reserved
Valid XHTML 1.0! Valid CSS! Dilber MC Theme by HarzeM
Page created in 0.133 seconds with 22 queries.