Malago Forum
 
*
Welcome, Guest. Please login or register.
Did you miss your activation email?
July 18, 2019, 03:44:34 AM


Login with username, password and session length


MALAGO SHOUTBOX
July 17, 2019, 03:34:45 PM japphi - Welcome po sa lahat nang mga New Members natin.(^_^ゞ
July 16, 2019, 01:30:10 PM sophiaserena - hi
July 09, 2019, 12:49:50 PM Girly - Hello Po.
June 26, 2019, 12:19:43 AM dangzky05 - good pm po 
June 25, 2019, 01:31:18 PM boomboom - sana,,,
June 25, 2019, 01:31:12 PM boomboom - sana..
June 25, 2019, 01:30:48 PM boomboom - hindi ako mgaling mg japanese
June 25, 2019, 01:30:26 PM boomboom - nakakalungkot ksi
June 25, 2019, 01:30:14 PM boomboom - sn may mging frend ako dito
June 25, 2019, 01:29:51 PM boomboom - yoroshikuonehasihmasu
View All
Pages: [1]   Go Down
  Print  
Author Topic: Marrying to a Japanese Man.  (Read 296 times)
0 Members and 1 Guest are viewing this topic.
Kojin020319
MF Newbie
*
Offline Offline

Posts: 5


« on: June 24, 2019, 10:55:35 PM »

Hello po sa inyo blob2
Magandang gabi po! Ako po ay nakatira dito sa Pilipinas at may boyfriend po na Japanese 29 y/o. Ako naman po ay 28 y/o. Naging interesting po sa akin ang forum na ito dahil po may boyfriend po ako na Japanese at medyo napaguusapan narin po namin ang magiging posibleng direksyon ng relasyon namin.

Sa totoo lang po masasabi ko na maswerte ako sa boyfriend ko dahil tulad ng kadalasang nababasa ko ay hindi po expressive ang mga japanese sa feelings nila. Pero ang bf ko po napakalambing at pinaparamdam sakin kung gaano nya ako kamahal sa salita at sa gawa po. Katunayan from January this year dalawang beses na po sya nagvisit sa Pinas para po magkita kami.

Malawak din naman po ang isip ko na sa kahit na anong pakikipagrelasyon maaaring magbago ang pakikitungo sa bawat isa ng magkarelasyon lalo na po pg humaharap na sa tunay na pagpapamilya.

Sa ngayon po ang pinagiisipan ko pong mabuti ay ang magiging kinabukasan ko po sa Japan at sa bf ko.

Sa totoo lang po marami po akong isasakripisyo para po sa kapalaran kong makapagasawa ng hapon. Hindi naman po sa pagmamalaki pero may maganda po akong trabaho dito sa Pilipinas katunayan po nakapunta po ako ng Japan through my own hardship. My tourist visa got approve to think Japan is my first out of the country trip. Number 1 factor po siguro ay dahil sa stable career ko po sa Pinas. Nagtatrabaho po ako sa isang malaking company sa Pinas with good salary po for a single like me with health, insurance benefits and retirement fee.

Bakit ko po ito nabanggit hindi po para magyabang! Nabanggit ko po yan dahil gusto ko po sana humingi ng advise sa inyo kung papaano po ba ang mabuhay sa Japan. Syempre po, hindi lang naman po pagmamahal ang bubuhay sa atin. Praktikal man pong isipin kailangan ko rin po ng pera dahil nasanay na po akong may perang hawak at isa pa kahit papaano ako po ang anak na nagbibigay sa magulang.

Gusto ko pong humingi ng payo kung paano ko po ihahanda ang sarili ko? Dahil tulad po ng sinabi ko malaki din po ang mawawala sa akon at pamilya ko. At syempre po hindi ko naman po pwedeng asahan ang biyfriend ko na akuin nya ang needs ko.

Sa ngayon iniisip ko pong magipon ng magipon ng pera para po kung sakaling ikasal kami next year or folowing year. Meron akong puhunan hindi lang para sa pamilya ko sa pinas kundi para din sa sarili ko. Dahil kung magsisimula po ng pamilya at lalo narin po sa edad ko. Gusto ko narin po mag-anak pag nagasawa nako.

Salamat po sa mga makakaunawa ng ibig ko po sabihin.

blob2 God Bless po!!!
Logged
mark11
MF Senpai
****
Offline Offline

Posts: 523


« Reply #1 on: June 25, 2019, 12:00:24 AM »

pagpunta mo sa japan,expect na makakaharap mo yung problema sa language,kultura,pakikisalamuha at adjustment sa buhay may-asawa.
sa language,pilitin mong mag-invest sa schooling.try mo i-convince ang husband mo na makapag school ka dahil iba yung bilis ng progress sa school kesa sa self-study or learning through daily life.

sa kultura,marami kang frustrations na pagdadaanan.try to learn sa maeexperience mo bawat araw.

sa pakikisalamuha,ibat-ibang klase ng tao ang bago mong makakaharap na di mo pa nakakaharap sa pilipinas.hapones man o kababayan.dito masusubok ang pasensya mo at pang-unawa.

sa adjustment sa buhay may-asawa,kung sa pinoy nga,iba ang mag bf sa mag-asawa.mas lalo kung international marriage. maraming kwento sa mga hapon na parang makina sila.2 years daw swabe ang takbo then unti-unti ng magbabago.mapapayo ko siguro kilalanin mong mabuti ang BF mo.may bisyo ba?ano ba ang mga hilig at hobbies nya? nagsusugal ba,mahilig ba sa mga babae,mainitin ba ang ulo?ano ba style nya pagdating sa pera?etc?
Logged
japphi
PINOY AKO
MF Hero Member
*****
Online Online

Posts: 2,974


« Reply #2 on: June 28, 2019, 11:08:23 AM »

Ang pag aasawa nang Hapon ay swerte swerte din siguro.
Pero kailangan ding kilalanin muna ang BF mo bago ka pumasok sa pag aasawa.
Adviseable na mag aral nang Nippongo para hindi na mahirapan sa communication ninyong dalawa at sa mga dadatnan mo na ka pamilya nya. At sa pamumuhay dito sa Japan.

Kailangan mo ring pag aralan ang kultura nila para hindi ka mabigla pag nakarating ka na dito.
Ilagay sa isip na ang mga Hapon ay hindi sanay sa Filipino styles natin na tulad halimbbawa na pagtulong sa pamilya sa Pilipinas kahit may asawa na.
Lalu na kung ang ipapadala ay magmula sa sinasahod nang asawa.yan ang unang bagay na napag aawayan sa mga naikasal sa Hapn.

At ang style nila....kung makaluma ag naging asawa ay karamihan ang babae ay nasa bahay lang..mag aalaga sa mga anak nila at sa bahay nila....pagse serbisyo sa asawa.
Kung hindi naman makaluma....andyan na yung papayagan kang magtrabaho...at baka hingin na mag share ka sa mga bayaran monthly.

I pa alala sa mismong pamilya na pagdating nang Japan ay huwag isipin na bawat gusto ay maibibigay mo.Yung iba kasi...kahit mangutang lang sila ay ipapadala ang nire request nang pamilya nya.Tuloy napag aawayan nilang mag asawa yon.

Ang pag aasawa mo ay para sayo at sa lalaking pinili mo....kaya i set ang isip na bubuuin ninyo ang sarili ninyong pamilya.

Nakakahiya man....kadalasang sinasabi nang mga Hapon na pag nag asawa daw nang Pilipina ay Package Deal daw palagi.Meaning....bubuhayin mo ang sariling pamilya at pamilya nang Pilipinang asawa.
Kaya marami pa rin hanggang ngayon ang maririnig na nag aaway ang mag asawa at isa na yan sa daing nang asawang Hapon.

Kaya kung iniisip ang mag asawa nang Hapon ay pag isipin yang maige.
GOODLUCK.
Logged
Kojin020319
MF Newbie
*
Offline Offline

Posts: 5


« Reply #3 on: June 30, 2019, 09:53:00 AM »

Napakadami kong natutunan po sa nireply ninyo. Maraming Salamat po sa maraming pagbabahagi ng experience. Tatandaan ko po yan lahat. Kaya nga po talagang pinaplano ko at iniisip ko ang mga diskarte ko bago po totally na mag-asawa. Iniisip ko talagang magipon habang single at kung makapagiwan ng business sa pamilya bago tuluyang magasawa. Tama rin po ang sinabi nyong kilalanin munang husto at the same time paghandaan narin. blob2 God Bless you too po 🥰
Logged
Kojin020319
MF Newbie
*
Offline Offline

Posts: 5


« Reply #4 on: June 30, 2019, 01:35:11 PM »

@mark11
Salamat po ang dami kong napulot din po sa mga sinabi ninyo. Pagdating po sa language - he knows how to speak English po since he studied 3 months in English school dito po sa Pinas. Pero tama po lahat ng sinabi ninyo, mas mabuti na magaral ako ng Nihonggo para din sa pamumuhay at paghahanapbuhay ko in the future.

Ang hobbies naman po niya ay mag-fishing. Simula po nung naging kami araw araw po kami magkausap at pansin ko naman na hindi siya mahilig lumabas para uminom. Mahilig lang siya sa fishing, anime, comics.

Pagdating po sa pera masasabi ko na marunong at mahigpit sya sa pera dahil sa edad nya ay hindi po sya magastos.

Sa ngayon po kasi ang usapan namin ay magready kami pareho sa pagaasawa namin. Dahil hindi po biro ang magsimula ng pamilya lalo narin po sa Japan na hindi rin po pala madali ang bihay.
Logged
striver
WEB Master
MF Hero Member
*****
Online Online

Gender: Male
Posts: 7,815


JOVIALITY


« Reply #5 on: July 05, 2019, 08:40:43 AM »

i hope na hindi magbago ang magiging asawa mo once na kinasal na kayo. kasi marami na rin akong narinig here sa mga kababayan natin na after their marriage ay lumabas yong tunay na ugali ng partner nila.

once na nandito ka na sa japan, be ready and as possible maging independent ka po kasi anything might happen. it will be easy for you na makakita ng work kung meron ka na pong experience, at lalong magiging madali yon kung marunong kayong mag japanese language.  wave1
Logged

MALAGO FORUM SIMPLE RULES:
(1) Maglagay ng tamang title at mag-post sa tamang section or board.
(2) Huwag gumamit ng text message.
(3) Huwag magtanong sa SHOUT BOX.
(4) Gumawa ng bagong THREAD sa bawat katanungan at huwag magtanong sa THREAD ng ibang member.
(5) Matutong magpasalamat.
Kojin020319
MF Newbie
*
Offline Offline

Posts: 5


« Reply #6 on: July 13, 2019, 04:04:47 PM »

@striver

Tatandaan ko po yang dinabi ninyo. Tama po kayo. Dapat maging independent at huwag umasa. Pede ko po matanong kung ano pong mga story ng pagbabago nila?
Logged
Pages: [1]   Go Up
  Print  
 
Jump to:  

Powered by MySQL Powered by PHP Powered by SMF 1.1.1 | SMF © 2006, Simple Machines LLC

? 2007 - 2011 MALAGO Community All rights reserved
Valid XHTML 1.0! Valid CSS! Dilber MC Theme by HarzeM
Page created in 0.125 seconds with 22 queries.