Malago Forum
 
*
Welcome, Guest. Please login or register.
Did you miss your activation email?
January 16, 2022, 07:19:46 PM


Login with username, password and session length


MALAGO SHOUTBOX
December 09, 2021, 02:45:36 PM Kitycin - Hello po may katanungan sana ako
December 07, 2021, 01:06:21 PM japphi - Thanks to yoi ChastityHu...surely marami ka pong matututunan dito.
October 03, 2021, 04:59:40 PM ikuyagyu - konbanwa pede po ba mag tanong dito?
September 14, 2021, 04:39:17 PM JenniferMori - Konbanwa 
August 26, 2021, 12:11:12 AM Mindoro - Sana na po may makasagot ng mga katanungan ko po. Need ur help po. Bka naloko din po kami
August 26, 2021, 12:10:30 AM Mindoro - Baka po may information kau about sa Knila if Banned n po ba sila mag operate?
August 26, 2021, 12:09:36 AM Mindoro - Ohno Group of Companies is still recruiting po na gusto mag Japan 
August 26, 2021, 12:08:41 AM Mindoro - Goodeve po sa lahat Gusto kolang po magtanong regarding sa OHNO GROUP of Companies? Legit po ba sila
August 13, 2021, 06:51:46 PM Yuna21 - Paano po ba magreport ng immitation kekkon kung nasa pinas ang magrereport
July 14, 2021, 09:49:53 AM Clair26 - divorce
View All
Pages: [1] 2   Go Down
  Print  
Author Topic: Entry Ban, discriminatory & unfair treatment?  (Read 7455 times)
0 Members and 2 Guests are viewing this topic.
halo_2na
MF Newbie
*
Offline Offline

Posts: 12


« on: August 30, 2020, 05:00:08 PM »

Nabasa ko itong news article na ito sa Japan Times.
Bago mag komento, pakibasa po ito:

You are not allowed to view links.
Register or Login

May patungkol itong artikulo sa hindi pagtanggap ng Japan sa mga foreign residents na umalis ng Japan
noong April 3, onwards. Isa ako sa mga napakaraming foreigners na hindi makabalik kahit pa for humanitarian reason ang pag-alis ko papuntang Pinas (sick father).

Hindi ko maiwasang mainis sa biased, discriminatory & unfair treatment sa mga working foreigners na naka base sa Japan. Ang Japan lang may gantong entry ban na ultimo mga permanent resident at tinuturing na tourists. Ang hindi pagtanggap sa mga mag tour or sighseeing, understable na di payagang pumasok ng bansa pero pati mga may work visa ganon din treatment? Ang tagal2 ko na sa Japan. I’ve been religiously paying all my taxes -  income tax, unemployment tax, resident tax, pension at health insurance tapos ang trato sa ‘yo para kang turista na di makabalik?angry3 Nakakasama talaga ng loob.  Pagbalik ko ng Japan, may 2 weeks quaratine pa. Ang start ng work ko after summer break ay Sept. 2. Buti na lang at maayos at i iaa adjust na lng work sched ko.

Napapaisip lang ako ksi may US green card ako. Pag punta ko doon, bago ako mag Pinas at during the pandemic, ang tanong lng sa akin ng Immig. officer is, magkano dala kong dollar. Yun lng then nakalabas na ako. What I’m trying to point out is, yung tourists at may work visa at green card, hindi pareho ang treatment. Iba ibang category sila na kapag may work visa or green card ka, mas pabor sa yo, mas smooth ang proseso. Eh sa Japan, 2 categories: 1) Japanese and 2) the rest. Nilahat na nila mga gaijins under ine category in so far as enry restriction os concerned kaya ko naman nasabi na unfair, biased at discriminatory ang Immig. rules ng Japan.

Sana dumating ang panahon na totoong ma realize, ma recognize at ma validate ang importansya ng mga foreigners sa economy ng Japan. Ang daming pinoy na teachers, engineers, health workers at IT among others na tumutulong sa economy ng Japan. Haaaay nako.

Sensya na sa mahabang post. Frustrated lng talaga ako sa sistema ng I
mig.
« Last Edit: September 01, 2020, 11:21:29 AM by striver » Logged
halo_2na
MF Newbie
*
Offline Offline

Posts: 12


« Reply #1 on: August 30, 2020, 05:14:59 PM »

Nabasa ko itong news article na ito sa Japan Times.
Bago mag komento, pakibasa po ito:

You are not allowed to view links.
Register or Login

May patungkol itong artikulo sa hindi pagtanggap ng Japan sa mga foreign residents na umalis ng Japan
noong April 3, onwards. Isa ako sa mga napakaraming foreigners na hindi makabalik kahit pa for humanitarian reason ang pag-alis ko papuntang Pinas (sick father).

Hindi ko maiwasang mainis sa biased, discriminatory & unfair treatment sa mga working foreigners na naka base sa Japan. Ang Japan lang may gantong entry ban na ultimo mga permanent resident at tinuturing na tourists. Ang hindi pagtanggap sa mga mag tour or sighseeing, understandable  na di payagang pumasok ng bansa pero pati mga may work visa ganon din treatment? Ang tagal2 ko na sa Japan. I’ve been religiously paying all my taxes -  income tax, unemployment tax, resident tax, pension at health insurance tapos ang trato sa ‘yo para kang turista na di makabalik?angry3 Nakakasama talaga ng loob.  Pagbalik ko ng Japan, may 2 weeks quaratine pa. Ang start ng work ko after summer break ay Sept. 2. Buti na lang at maayos at i iaa adjust na lng work sched ko.

Napapaisip lang ako ksi may US green card ako. Pag punta ko sa US bago ako mag Pinas at during the pandemic, ang tanong lng sa akin ng Immig. officer is, magkano dala kong dollar. Yun lng then nakalabas na ako. What I’m trying to point out is, yung tourists at may work visa at green card, hindi pareho ang treatment. Iba ibang category sila na kapag may work visa or green card ka, mas pabor sa yo, mas smooth ang proseso. Eh sa Japan, 2 categories: 1) Japanese and 2) the rest. Nilahat na nila mga gaijins under ine category in so far as enry restriction is concerned kaya ko naman nasabi na unfair, biased at discriminatory ang Immig. rules ng Japan. Sila lng ang may ganitong entry ban sa G7 countries.

Sana dumating ang panahon na totoong ma realize, ma recognize at ma validate ang importansya ng mga foreigners sa economy ng Japan. Ang daming pinoy na teachers, engineers, health workers at IT among others na tumutulong sa economy ng Japan. Haaaay nako.

Sensya na sa mahabang post. Frustrated lng talaga ako sa sistema ng
Japanese Immig.
Logged
halo_2na
MF Newbie
*
Offline Offline

Posts: 12


« Reply #2 on: August 31, 2020, 09:41:41 AM »

You are not allowed to view links.
Register or Login
Logged
japphi
PINOY AKO
MF Hero Member
*****
Offline Offline

Posts: 3,012


« Reply #3 on: August 31, 2020, 09:53:46 AM »

Makikisagot lang...

Alam natin na ang bansang Japan ay mahigpit..at bansa nila ito.
Hindi lang naman mga taga Pilipinas ang maraming hindi pa rin nakakapasok.
Mga may position din sa mga company nila dito sa Japan.

May mga nababasa din ako na may mga family din dito na nahihirapan ding makabalik.
May news din dito na ilang Kababayan natin ang nakabalik pero na trace nila na may covid pala.
Kaya  hindi natin masisisi sa paghihigpit nila.
Logged
halo_2na
MF Newbie
*
Offline Offline

Posts: 12


« Reply #4 on: August 31, 2020, 01:53:08 PM »

Miss Japphi, thanks for the input. Salamat din po sa pagbasa ng hinanaing ko.

Tama po kayo, may karapatan silang magpatupad  ng mga patakaran para
protektahan ang sarili nilang mamamayan sa gitna ng krisis na ito dulot
ng COVID. Sana isipin din natin na ang bawat patakaran ay dapat equal na i apply
sa mga tao. Na Kung talagang gusto nilang maging epektibo at dapat patas at pantay
pantay ang pagpapatupad, walang kinikilingan. 

Pakibasa po ito:

“Japanese nationals returning from abroad are only required to undergo PCR tests when
they arrive and are requested to self-isolate for 14 days without any penalties for refusing
to do so, a stark contrast to the treatment of foreign residents — even though since March,
numerous reports have shown a number of Japanese nationals coming from abroad have
tested positive for COVID-19 upon arrival.”

If the real goal is to prevent the spread of the virus, ALL returnees whether
Japanese or non Japanese should be subjected to the SAME rules.

Gaya ng nasabi ko sa unang post ko, ako at kagaya kong working
foreigners ay taxpayer, kahit masakit sa bulsa, religious kong binabayaran mga taxes ko.
Natural lamang na kapalit ng na ko contribute ko sa ekonomiya ng Japan, kahit
man maliit ito kumpara sa iba, nag aambag ako. Tapos, gantong treatment ang ibibigay
sa yo? Na parang ka level mo lang ang mga turista or sightseeing foreigners pag dating
sa Immig. rules on entry to Japan.

Ang isa pang nakakasama ng loob, mahal ko pa ksi ang Japan. Tagal2 ko na dto, more than
10 years na. Kahit hindi Japanese hubby ko at di ko ginagamit sa work ang Japanese, nagsusumikap
akong mag-aral ng Nihonggo. Nose bleed man ako, ok lng basta kahit papano may improvement.
Nasabi ko na sa hubby ko na between US and Japan, mas gusto ko sa Japan pero sa nang yayaring
discrimination agains gaikokujins, napapaisip ako kung gusto ko nga ba talagang sa Japan na lng
kesa US.
Logged
halo_2na
MF Newbie
*
Offline Offline

Posts: 12


« Reply #5 on: August 31, 2020, 03:46:27 PM »

If I may add.

Ang virus ay walang pinipling lahi. Kaya kung nag-iingat ang mga
Hapon sa posibleng pagkahawa sa the foreigners, posible din
naman na mahawa amg mga non Japanese residents sa kanila.
Sa pagpapatupad ksi ng bias rules, ang assumption is they are the
ones getting infected. All I’m sayinv is the Japanese can be the
source of infection as well. Kaya naman kahit bansa nila ito,
dapat pantay2 at patas ang treatment & implementation.
Ang nakasalalay dto ay PUBLIC health not the health of a chosen
group or ethnicity or race of people. Lahat naman tayo posibleng
carrier.

Yun lang po.
Logged
japphi
PINOY AKO
MF Hero Member
*****
Offline Offline

Posts: 3,012


« Reply #6 on: September 01, 2020, 09:47:49 PM »

Pasensya na Miss halo_2na..naiintindihan ko ang hinaing mo.
Kung ako man siguro ang nasa kalagayan mo ay ganyan din ang masasabi ko.

Pero ano ang magagawa natin..bansa nila ito.
Kasuklaman man natin ang paghihigpit o pagiging bias o sabihin nang hindi makatao...sila pa rin ang mananaig.

At tulad nga nang sabi mo...hindi lang naman mula sa mga foreigners na papasok nang Japan pwedeng mahawa ang mga Hapon.Pwede rin namang mahawa ang mga Foreigners sa mga daratnan nilang mga Hapon pagpasok nang Japan.

Hindi kaya...isang dahilan din yon na ayaw nila o iniiwasan nila na huwag mahawaan ang mga foreigners na papasok sa bansa nila?Kasi nga araw araw ay dumarami pa rin ang mga nagkaka covid dito sa bansa nila.


Logged
halo_2na
MF Newbie
*
Offline Offline

Posts: 12


« Reply #7 on: September 02, 2020, 07:14:53 PM »

Thank you po ulit sa pag-komento.

If I were to follow your line of reasoning, eto po ang masasabi ko.

Kung ang hindi pagpasok ng foreigners ay sa kadahilanang wag silang mahawa, sana wag ding payagang lumabas ng Japan ang mga Hapon para yung mga tao sa ibang bansa na makakasalamuha nila ay hibdi mahawa. Sa ganong sistema, patas lang. Regardless of the Japanese motive to go abroad — schooling, medical, business etc, walang makakalabas ng bansa.  Ginagawa po ba yan ng ibang bansa sa mga Japanese citizens.? Hindi po.

Case in point.
Nung magpunta po ako ng US last July, nasa likod ko ang isang Haponesa. She was asked by the Immigration officer why she’s goin to the US and the girl replied, “for schooling purposes.” Then sabi ng Amerikano, di ba kayo online classes ngayon? sagot namin ni Japanese girl, hindi po totally online. Then she was allowed entry.

Imagine kung dun po sa sinabi ninyo po na baka ang ban of entry against foreigners is to avoid infection at ganon din ang gawin  let’s say ng ng US at iba pang bansa sa mga Hapon dahil baka mahawa sila? sa tingin nyo po ba, hindi aalma ang mga Japanese?  Napakaraming car companies, IT at iba pang industries ang naka base sa US at iba oang bansa. makakabuti po ba yun sa ekonomiya nig Japanese  pari sa well being ng mga Hapon? The  point is yung rule/law/policy na gusto mong ipatupad sa bansa mo ay di pwedeng pabor lang sa yo at detrimental naman sa interest ng iba. Na kung  gusto mong maayos ang trato sa citizen mo, nararapat lang na i trato mo din ng maayos ang citizen ng ibang bansa.

Tungkol po naman sa wala tayong magagawa dahil bansa nila ito. Hindi po ako sang ayon. If it’s just me, on my own, a single voice, siguro po tama kayo but if all the others in the same situation as I am share the same voice then maybe we stand a chance to be heard. Ang Pinas  po at Japan at may diplomatic tiies. Ang nag re represent po sa atin ay embahada at consular office natin.
Either we have our voices heard through the Embassy or through an organized group like this very website we’re using right now-Malago Forum. May isang boses po tayo dto, we’re a collective group of people sharing common interests.
Bakit po naririnig ang boses ngayon ng “Black Lives Matter” or “Me Too Movement”? Kasi po di lang isang boses ang naririnig kung hindi grupo ng mga nagkakaisang tao na may common objective.

Maaring nakakatawa syang isipin ngayon but who knows, may maybe in the near future, may mga movement na “Filipino Labor Matters” or “Filipino Manpower Matters”

Kung merong hindi maganda sa sistema, wag sana tayong tumayo or umupo sa isang sulok at mag buntong hininga na lang at magsabi. “bansa nila ito e, wala tayong magagawa. Ganon talaga. Ganito na lang talaga tayo. Kawawang nilalang sa mundo.”
Ang dami na pong avenues na pwedeng utilize ngayon to instill social awareness in the minds of people regardless of social status.
Hindi naman kailangang maging kasing talino ni Einstein para magkaron ng social relevance.

Salamat po sa pag-basa.
Logged
japphi
PINOY AKO
MF Hero Member
*****
Offline Offline

Posts: 3,012


« Reply #8 on: September 02, 2020, 08:42:24 PM »

Okey....naiintindihan ko ang mga reasons mo.
At for the second time and also for the third time din ay sasabihin ko pa rin na Bansa nila ito.
Sila ang gumagawa nang mga Batas..Regulations o mga Protocols na sinusunod nang mga  sangay nang gobyerno nila.

At kung hindi ka sang-ayon sa dahilang "Bansa nila ito kaya sila ang mananaig" ay wala akong magagawa.Pero yon ang realidad at kanya kanya tayo nang opinion.
Nasabi mo na tumira ka na dito sa Japan nang may 10 taon...nagbabayad ka nang mga taxes..ako 33 years...at nagbabayad din ako nang mga taxes ko.
Pero hindi ako sumasalungat sa mga palakad nila...dahil naiintindihan ko ang palakad nang gobyerno nila...ang pagsunod nang mga mamamayan nila.

Pero tutoo...may mga bagay bagay na hindi sang ayon ang sa mga katulad nating mga dayuhan ang ilang batas o regulasyon nila...pero kahit ilang mamamayan nila ay gaoon din.Pero sumusunod pa rin sila.

At alam ko hindi lang naman ikaw ang may ganyang hinaing...marami...at nakiki-simpatya ako.
At tulad nang nasabi mo..embassy o consulate natin ang pwedeng mag represent sa atin kung sakali at gustong mag reklamo sa ganyang palakad nang Japan.
Pero itong Forum o Malago Forum ay wala sa adhikain nito ang sumalungat o maglabas nang boses o sabihing protesta siguro tungkol dyan....

Marami pa tayong hindi alam sa mga batas nang pinasukan nating bansa....marami pa tayong dapat unawain sa batas nila.

Siguro darating din ang time na may mga maglalabasang reklamo o sabihin na nating protesta tungkol sa pamamalakad nila tungkol sa covid na yan...at yun sigurado ang right time.

Inuulit ko...naiintindihan ko ang sitwasyon o hinaing mo...nag comment ako sa post mo hindi para makipagtalo o ipagtanggol ang ano man..wala tayo sa bansa natin para makipagtalo.
At bilang Kababayan...dinadalangin ko na sana ay mabalik na sa dati para yung mga Kababayan natin at iba pang mga dayuhan na mga na stranded sa loob at labas nang bansang Japan ay mabalik na sa dating pamumuhay.
God Bless...
Logged
halo_2na
MF Newbie
*
Offline Offline

Posts: 12


« Reply #9 on: September 02, 2020, 09:16:29 PM »

All’s well po Ms. Japphi.
I’m back to Japan! Masalimuot man
pinagdaanan ko, i just can’t wait to resume my daily routine here.
Balik sa realidad ng buhay sa Nihon!
よかった!

Logged
Pages: [1] 2   Go Up
  Print  
 
Jump to:  

Powered by MySQL Powered by PHP Powered by SMF 1.1.1 | SMF © 2006, Simple Machines LLC

? 2007 - 2011 MALAGO Community All rights reserved
Valid XHTML 1.0! Valid CSS! Dilber MC Theme by HarzeM
Page created in 0.158 seconds with 21 queries.