Malago Forum
 
*
Welcome, Guest. Please login or register.
Did you miss your activation email?
October 21, 2019, 06:27:49 AM


Login with username, password and session length


MALAGO SHOUTBOX
October 17, 2019, 05:20:27 AM japphi - Avnte,punta po kayo sa City Hall.
October 12, 2019, 12:49:33 AM Avnte - Pano dn po makakuha ng alien card at my number etc.
October 12, 2019, 12:48:48 AM Avnte - Ano po need kong gawin pag may cfo visa at coe papunta at pagdating ng japan ano po dpar unang gawin
October 12, 2019, 12:40:56 AM Avnte - All docs comolete
September 26, 2019, 09:54:51 AM REFUGEE - Refugee
September 09, 2019, 03:07:28 PM japphi - ShoutBox lang po dito.Wala pong makakasagot.Gawa po kayo nang New Topic ninyo.
September 04, 2019, 05:51:19 PM datcom - sana may sumagot sa tanong ko po. salamat guys
September 04, 2019, 05:49:52 PM datcom - may karapatan ba mag reklamo ang trainee dito sa japan kapag lagi nlng minmur at snisgwn ng japanese
August 27, 2019, 12:09:34 PM japphi - Gawa po kayo nang bagong Topic o Thread para sa Katanungan ninyo.Dito po ay Shout Box lang.
August 27, 2019, 12:06:26 PM japphi - Sa may mga Katanungan po,pindutin ang FORUM sa may bandang kaliwa sa itaas at piliin ang tamang Topi
View All
Pages: [1]   Go Down
  Print  
Author Topic: Advice lang po mga kbbyan  (Read 3076 times)
0 Members and 2 Guests are viewing this topic.
Sakura
PINOY AKO
MF Newbie
*
Offline Offline

Posts: 74


« on: July 29, 2010, 02:20:35 PM »

Hello po sa lahat ng tumatangkilik here in Filipino Community,
may ask lng po saan po pwedeng mag sodan pag mag change po ng citizenship from philippine passport to japanesse passport? at ano yun sa nihongo dko npo na isave last yung mga comments na mga nbs ko sa isang article 039;na the best way .gusto po ng asw ko at ofcourse gusto knrin maayos kung sakali kasi mahaba po ang yasumi ng asw ko sa kaisha.at ng makapag sodan kmi kung sakali.tnx po inadvance.
Logged
striver
WEB Master
MF Hero Member
*****
Online Online

Gender: Male
Posts: 7,842


JOVIALITY


« Reply #1 on: July 29, 2010, 02:55:49 PM »

una mong gawin is pagisipan mo munang maigi kung talaga bang ok sa iyo na magpalit ng citizenship. from being pinoy to japanese po. then kung ok na, pumunta kayo ng MINISTRY OF JUSTICE (HOUMUKYOKU) na malapit dyan sa lugar ninyo. then don ka mag-apply ng change of citizenship. bago kayo pumunta, tumawag muna kayo para mabigyan kayo ng appointment date kung kelan kayo dapat pumunta don for interview raw.

then sa interview, sasabihin sa iyo kung anong mga necessary documents para sa change of citizenship application po. then sasabihin din sa inyo don ata kung kelan kayo babalik ulit for interview and documents screening.

HOMEPAGE OF MINISTRY OF JUSTICE
You are not allowed to view links.
Register or Login
Logged
Sakura
PINOY AKO
MF Newbie
*
Offline Offline

Posts: 74


« Reply #2 on: July 30, 2010, 12:38:55 PM »

Hello po Ser Striver,
Wow ang galing nyo tlga super bilis pa mag reply oo nga po pinag isipan me na po yang ilng beses at willing napo tlga ng asw me na acikasuhin lahat.marami pong salamat talaga and more powers po sa inyo. thumbup
Logged
japphi
PINOY AKO
MF Hero Member
*****
Offline Offline

Posts: 2,978


« Reply #3 on: July 30, 2010, 04:13:12 PM »

Tulad nang nasabi ni striver....pag-isipan mong maige ito.
Lately ay marami nang nagpapalit nang nationality sa mga kababayan natin.....yung iba ayaw lang ipa-alam nang dahil na rin sa pangungutya nang ibang kababayan natin.

Pero kanya-kanya nang buhay yan....kanya-kanya nang opinion at pananaw sa pag-aasawa nang foreigner hindi lang Hapaon.

Pero kadalasan...ang isang kababayan na nakapag-asawa nang hapon ang laging nakukutya kung bakit magpapalit nang nationality....pwede naman daw ang kahit hindi magpalit nang nationality....na tutoo naman.Pero kung American,Canadian,Australian..etc..etc...nationality ang kukuha....NO COMMENT lagi.Pag Japanese nationality na....Ang daming Tanong,kutya...etc....kahit na sa Philippine Embassy.....na-experience ko yan noon.

Ako....year 2000 nung ma-approved ang naturalization ko.....
Nagpalit ako sa ilang kadahilanan....

*Nag-asawa ako nang Hapon at ako ang susunod sa kanya at hindi s'ya ang susunod sa akin....kung nasaan sila nang mga anak ko ay doon din ako....importante sila sa akin.

*Tulad nang sinumpaan sa simbahan o nung ikinasal.."Till Death do us part"...at para sa akin..walang turning back pag nag-asawa.

*Dito sa Japan...kahit na ilang taon pa tayong nagsasama sa iisang bubong.....ilang taon pang mag-asawa,may anak etc...etc...hindi maisasama ang pangalan natin sa Juumin Hyou nang Japanese Husband natin.....ito ay dahil sa TAYO ay FOREIGNER daw...ito ay isang LAW nang JAPAN.Pero sa Koseki Tohon andoon ang pangalan natin as THE WIFE...pero lagi ay nakasakay lang tayo sa pangalan nang asawa natin....wala tayong sariling Koseki Tohon....dahil sa tayo ay Foreigner.

On my part....Luckily,na-approved nung year 2000,pati mga anak ko ay nasiyahan sila...dahil sa we're all ONE FAMILY na....hindi tulad nung dati na Mother nila ay GAIJIN....

Unfortunately...namatay ang asawa ko last year 2006.thru car accident...iniwan kami na maraming bagay-bagay na dapat kong asikasuhin....

Doon ko lalong natanto na Salamat nalang at bago nya kami iniwan ay nakapag-palit na ako nang nationality.....

Kung hindi ako nagpalit....mga anak ko lang ang nasa Jyuumin Hyou....Ako wala.....andoon ako sa Koseki Tohon nang Tatay nila...as THE MOTHER...sila mga JAPANESE...ako GAIJIN....Sila bale ang mag bibitbit sa akin...kasi Gaijin ako.....

Pero dahil nga sa naturalized Japanese na rin ako....naging smooth naman ang mga documents na kailangan namin those pasts years....may Jyuumin Hyou ako na lagi kong kailangan pagdating sa mga pag-aasikaso nang mga documents.
Bilang Mother nila....Ako na ang kapalit nang Father nila sa Koseki Tohon namin,sila ang bitbit ko at hindi ako ang bitbit nila....

Ginawa ko lang example itong life story ko hindi para ipagyabang ang pagkakuha ko nang nationality dito....kundi'y para maging batayan na rin kung bakit ako kumuha o nagpalit nang nationality....para sa akin...kailangan ko talaga ito para sa mga anak ko at pamumuhay dito sa Japan....lalu na't wala na ang asawa ko.

kanya-kanya tayo nang pananaw sa pag-aasawa natin dito...kahit naman hindi kumuha nito ay pwede...basta ba bigyan nang pagpapahalaga sa pamilya natin dito.At wala rin namang magbabago kung sakali mang magpalit nang natonality...same pattern of life na tulad ngayon....mga documents lang ang magbabago....yun nga lang dati ay hidi kailangan ang visa pag umuuwi sa atin....pag naging japanese na at lalampas nang 21 days ang stay sa atin...kailangan na nang visa.

Hope na mapag-isipan mo maige kung talaga bang kailangan mong magpalit into Japanese......Ganbatte kudasai.
Logged
Pages: [1]   Go Up
  Print  
 
Jump to:  

Powered by MySQL Powered by PHP Powered by SMF 1.1.1 | SMF © 2006, Simple Machines LLC

? 2007 - 2011 MALAGO Community All rights reserved
Valid XHTML 1.0! Valid CSS! Dilber MC Theme by HarzeM
Page created in 0.13 seconds with 21 queries.