Ang benefit ng shakai hoken ay :
1. kung meron ka shakai hoken ikaw ay maaring mag-extend ng visa dito sa japan dahil ikaw ay isang social contributor sa japan economy.
2. ang shakai hoken includes Pension(nenkin) at Health(kenko hoken) insurance, parehong insurance yan ng gobierno. Magkakambal silang dalawa... hindi pwede isa lang.
Kaya kung magkasakit ka, 3% lang ang ibabayad mo sa gamot, sa doktor, sa hospitalization, sa operating room kung operahan ka, kung ikaw ay babae... magbuntis at manganganak, merong maternity benefit like babalik yata ay 300,000 yen yata (babalik ang ibinayad mo sa panganganak) at pwede ka humingi ng tulong sa gobierno in times of distress dahil nga contributor ka ng shakai hoken.
Pagdating sa pension, mayroon equivalent na 50% contribution ang employer mo sa pension mo.
kung 10,000 yen ang binabawas sa nenkin contribution mo (pension), 10,000 yen din ang contribution ng employer para sa nenkin mo kaya medyo malaki-laki ang matatanggap mong pension kapag ikaw ay nag-retire. Unlike ng KOKOMIN NENKIN (ang kakambal nito ay Kokomin hoken), walang employer contribution ito dahil para sa mga self-employed, plain housewife, students, artista, models, etc. Depende sa individual income binibase ang babayaran na kokomin nenkin contribution nila. Mga artista, fluctating type ang income kaya hindi flat rate marahil ang contribution nila.
Importante dito sa japan ang member ng Nenkin at Kenko hoken, whether it be Shakai or Kokomin.
Lalo na tayong foreigner na kailangan mag-renew ng visa, a MUST yan.
Kung plain housewife, binabawas na sa sweldo ni husband ang para sa wife contribution as dependent kaya no need mag-sarili.
Pero kung malaki ang kinikita, kailangan na magsarili ng hoken (nenkin & kenko).
Kung uuwi na ng pilipinas at hindi na titira sa japan kahit kailan man at mawawala na mawawala na ang home address sa japan, pwede i-refund ang nai-contribute sa pension pero hindi lahat babalik, bale ilang percent lang makukuha, hindi kasama ang employer contribution sa computation dahil uuwi sa pilipinas ang case.
Kapag member ng shakai hoken or kokomin hoken, need mag-member sa unemployment insurance para kung sakaling mawalan ng trabajo, may pag-refuge ng pera habang naghahanap ng kasunod na employment.
kapag tumapag ng 40 years old, additional membership sa Senior insurance para sa old age use ng kaigo or home care facilities and services.
