Malago Forum
 
*
Welcome, Guest. Please login or register.
Did you miss your activation email?
November 16, 2018, 05:57:22 AM


Login with username, password and session length


MALAGO SHOUTBOX
November 14, 2018, 11:42:02 PM samekara12 - Marriage certificate original
November 14, 2018, 11:35:47 PM samekara12 - Dependent visa coe denied
November 08, 2018, 10:01:03 AM Mema - Hello po hihingi po sna me advice asap po :( 
November 08, 2018, 08:52:39 AM callmeamabelle - paano po gumawa ng thread?
November 08, 2018, 08:44:58 AM callmeamabelle - New po akk dito..
November 06, 2018, 02:19:39 PM jeriemie24 - plss pm nyo pho ako agad salamat pho need kulng ng help
November 06, 2018, 02:19:00 PM jeriemie24 - un nlng pho kasi need ko ung coe ko para ma kapag process nako dto sa pinas para makabalik agad ng j
November 06, 2018, 02:18:06 PM jeriemie24 - july 5 2018 pho ako kinasal tapos umuwi n pho ako dto pinas para intayin eligibility ko 
November 06, 2018, 02:17:12 PM jeriemie24 - onegai nmn pho sino ask kulang ilang week pho ba bago lumabas ung eligibility ko sa japan since july
October 20, 2018, 04:41:25 PM saki - SINO ME FB JAN DYAN 
View All
Pages: [1] 2   Go Down
  Print  
Author Topic: Frequently Asked Question[FAQ] About COE (Pakibasa Ito Bago Magtanong)  (Read 18099 times)
0 Members and 16 Guests are viewing this topic.
striver
WEB Master
MF Hero Member
*****
Online Online

Gender: Male
Posts: 7,716


JOVIALITY


« on: June 11, 2013, 04:50:48 PM »

Bago po kayo magtanong tungkol sa COE, maaari po lamang na basahin ang FAQ na ito na nakasulat sa baba. Ito ang mga katanungan na madalas itanong dito. Ito rin ang mga basic information tungkol sa COE. Kung narito rin lamang ang inyong katanungan, maaaring huwag na ninyong POST.


Q01: Ano ang COE(Certificate Of Eligibility)?
Ang COE ang syang ina-apply sa immigration upang mapadali ang pagkuha ng visa sa Japanese Embassy. Sa pamamagitan nito, isinasagawa ng immigration ang preliminary checking and investigation kung ang isang applicant ay eligible bang mabigyan ng visa upang makapasok sa Japan. Kapag meron hawak na document na ito ang isang applicant na nag-apply ng visa sa Japanese Embassy, hindi na kinakailangan pang magsagawa ng detalyadong investigation dahil naisagawa na ito ng Immigration.


Q02: Gaano katagal ang application ng COE?
Ang labas ng result ng COE application ay case by case. Wala silang binibigay na exact date tungkol dito. Ang nakalagay lamang sa homepage ng immigration ay 3 to 6 months ang processing raw. Subalit meron mga applicant na natatanggap ang result ng wala pang 1 month. Ang result ay base sa case ng applicant at sa type ng visa na gusto nitong apply.


Q03: Saan pwedeng mag-apply ng COE?
Ang COE ay pwedeng apply sa Immigration sa Japan lamang. Hindi ito pwedeng apply sa Japanese Embassy sa Pinas dahil hindi ito don isinasagawa.


Q04: Ano sa Japanese ang COE?
ZAIRYUU SHIKAKU NINTEI SYOUMEISYO(KANJI:在留資格認定証明書, HIRAGANA:ざいりゅうしかくにんていしょうめいしょ) ang tawag nito sa Japanese language.


Q05: Approved ba ang VISA application 100% kapag meron COE?
Ang COE ay hindi equal to VISA. So hindi nangangahulugan na kapag meron kang COE ay 100% sure ka na approve ang VISA application mo. Maaaring nasa 80% lang ang possibility na mabigyan ka ng VISA dahil napatunayan na ng immigration dito sa Japan na eligible kang makapasok dito. Marami na ring members dito sa MALAGO ang nagsabi na deny ang visa application nila kahit meron silang COE.


Q06: Sino ang dapat mag-apply ng COE?
Ang pwedeng mag-apply ng COE ay ang taong guarantor mo mismo sa pagpunta mo dito sa Japan. Maaaring ang parents or asawa mo kung dependent visa ang apply mo, employer mo kung working visa ang apply mo, school naman kung student visa ang apply mo. Possible rin mag-apply nito ang mga organization or institution na syang nag-invite sa iyo sa pagpunta mo dito. At kung walang time ang guarantor mo, pwede rin syang gumamit ng PROXY (Attorney or other third person) na syang tatayong applicant ng COE mo.


Q07: Meron bang expiration ang COE?
Meron expiration na 3 months lang ang COE. Kailangan magamit mo ito within this period kung hindi ito ay mawawalan ng bisa at kailangan mo ulit mag-apply. Tandaan rin na ang expiration COE ay iba sa expiration ng VISA mismo.


Q08: Makakapasok ba sa Japan na COE lang ang hawak na document?
Hindi po. Kinakailangan na VISA ang hawak ninyo upang makapasok kayo sa Japan. Gamitin ninyo ang hawak ninyong COE sa pag-apply ninyo ng VISA sa Japanese Embassy.


Q09: Kailangan ba ang COE kung Tourist Visa or Family/Friends Visit Visa lang ang Apply?
Hindi na kailangan ang COE kung short term type of visa tulad ng tourist visa, family visa ang apply mo sa Japanese Embassy. Pwede na kayong mag-apply nito kahit walang COE dala ang kailangang mga documents.


Q10: Paano malalaman kung APPROVED ang COE Application?
Kapag approved ang COE application ninyo, ipapadala ito ng immigration sa address mo gamit ang ibinigay mong RETURN MAIL ENVELOP. Tingnan ang sample na image file sa baba para sa SAMPLE ng approved COE.


Q11: Paano malalaman kung DENY ang COE Application?
Kahit deny ang COE application mo, meron pa rin notice tungkol dito na pinapadala ang immigration office. Karaniwan ay isang papel lang na nasa sobre at nakasulat doon na DENY ang COE application mo. Hindi nila sinasabi kung ano ang reason tungkol dito. Kung meron kang claim or gusto mong mag-sampa ng reklamo, meron din silang isinasamang contact information kung saan ka dapat magtanong. Tingnan ang file sa baba para sa SAMPLE notice kapag deny ang COE application.


Q12: Binabalik ba ang mga documents na ipinasa kapag DENY ang COE Application?
Hindi po. Walang binabalik na anomang papers or document ang immigration sa applicant kapag DENY or APPROVED man ang application ninyo. Ang lahat ng mga documents na inyong ipinasa ay magiging pag-aari ng Immigration at ito ay hindi nila ibabalik sa inyo or ibibigay kanino man.


Q13: Magkano ang bayad sa COE Application kapag approved ito?
Walang bayad ang COE application kahit ito ay ma-approved ng Immigration. Ang kailangan mo lang bayaran ay ang STAMP na kailangan ilagay sa sobre na syang gagamitin bilang RETURN mail sa iyo. Ito ay 380 YEN mahigit.


Q14: Pwede bang mag-apply ng Long Term VISA sa Japanese Embassy kahit walang COE?
Yes you can apply kung gusto ninyo. Subalit malaki ang chance na matatagalang lumabas ang result nito dahil magsasagawa pa rin sila ng pre-investigation dito sa Japan. Malaki rin ang possibility na deny ang application ninyo dahil sa wala kayong hawak na COE.


PAKIUSAP:
Kung meron kayong katanungan tungkol sa COE, huwag po ninyong ilalagas sa THREAD na ito. Mangyari po lamang na gumawa ng bagong THREAD sa COE SECTION para sa bago ninyong mga katanungan. Maraming salamat po.
« Last Edit: June 11, 2013, 04:53:39 PM by striver » Logged

MALAGO FORUM SIMPLE RULES:
(1) Maglagay ng tamang title at mag-post sa tamang section or board.
(2) Huwag gumamit ng text message.
(3) Huwag magtanong sa SHOUT BOX.
(4) Gumawa ng bagong THREAD sa bawat katanungan at huwag magtanong sa THREAD ng ibang member.
(5) Matutong magpasalamat.
super_bass
MF Member
**
Offline Offline

Posts: 108


« Reply #1 on: June 11, 2013, 07:04:16 PM »

Thank you Sir for this information. Laking tulong ito sakin kasi halos ng gusto kong itang sa inyo nandito na po! Thanks po talaga! God Bless Po!
Logged
japphi
PINOY AKO
MF Hero Member
*****
Offline Offline

Posts: 2,959


« Reply #2 on: June 11, 2013, 07:51:26 PM »

Yokatta ne at nasa iisang thread na ang mga sagot sa maraming katanungan nang isang mag a apply nito.
Otsukare sama Striver san.
Logged
JaPinay
MF Newbie
*
Offline Offline

Gender: Female
Posts: 84



« Reply #3 on: June 11, 2013, 10:06:55 PM »

Sir tanung po:

COE approved for 1 year and COE approved for 3 years ( SPOUSE & LONGTERM )

May alam po ba kayo Sir ano ang basehan nila dito Sir?

May pagkakaiba po ba Sir o parehas lang din ang lagay sa sinasabing 80% chances of visa approval?


Hope di naging magulo ung tanung ko po.  hello

Kindly advice.

Thanks In Advance.  hello



Logged
sleep_walk3r
MF Jr. Member
***
Offline Offline

Posts: 348


To hell with your popularity™


« Reply #4 on: June 11, 2013, 10:24:18 PM »

^Matuto po sana tayong magbasa ng maigi. Yoroshiku.

 coffee

PAKIUSAP:
Kung meron kayong katanungan tungkol sa COE, huwag po ninyong ilalagas sa THREAD na ito. Mangyari po lamang na gumawa ng bagong THREAD sa COE SECTION para sa bago ninyong mga katanungan. Maraming salamat po.




Logged

The more I learn the more I realize I don’t know. The more I realize I don’t know the more I want to learn. – A.E.
学べば学ぶほど、何も知らないということが分かるようになる。何も知らないと分かるようになるほど、もっと学びたくなる。

/sleep_walk3r™
JaPinay
MF Newbie
*
Offline Offline

Gender: Female
Posts: 84



« Reply #5 on: June 11, 2013, 10:46:54 PM »

ay naku! pasensya na po sa inyo.

sa liit po ng letra sa iphone. nagkandaduling po. diko napansin.

malaking pasensya na.

yoroshiku den po.  hello
Logged
Yogimeek
PINOY AKO
MF Hero Member
*****
Offline Offline

Gender: Female
Posts: 2,033


Final Fantasy


« Reply #6 on: June 13, 2013, 06:56:10 PM »




nice thread  thumbup
Logged
snoopykawaii
MF Newbie
*
Offline Offline

Posts: 2


« Reply #7 on: October 10, 2014, 10:09:40 PM »

 thumbup maraming salamat po dito.
Logged
kaith_jazmine
MF Newbie
*
Offline Offline

Posts: 74


« Reply #8 on: November 29, 2017, 02:42:25 PM »

tanong ko lang po late registered kasi birthcertificate ko sa pag aapply po ba ng coe need pa po ba ng additional document like baptismal at school records hahanapin po ba yun sana po may makasagot maraming salamat po!
Logged
jeriemie24
MF Newbie
*
Offline Offline

Posts: 2


« Reply #9 on: November 06, 2018, 02:36:19 PM »

ask kulang pho kasi july 5 2018 pho ako kinasal dyan sa japan trainee pho ako tpos pho ung pinakasalan ko pho pinay din pero permanent visa na cxa meron cxang dating asawang hapon.. hiwalay na sila kaya nakapag pakasal n kme dyan sa japan.. ngayon pho umuwi nko pinas kasi kailangan pho mapalitan ung status ko na trainee .. so ngayon pho inaantay kulang pho ung COE ko lumabas para ma apply ko pho dto sa pilipinas.. ilang months or week pho ba bago lumabas ung COE ko??? kasi 3 months na pho ako nag aantay angry3 sabi pho kasi sakin ng attorney na nag kasal samin eh autumn daw pho ako makakabalik ng japan..... September to November lng pho ang autumn db pho sa japan?angry3? so it means pho ba dis November makakabalik at lalabas na pho ung COE ko?angry3?ask kulang pho .....

maraming salamat pho ☺️☺️☺️☺️
Logged
Pages: [1] 2   Go Up
  Print  
 
Jump to:  

Powered by MySQL Powered by PHP Powered by SMF 1.1.1 | SMF © 2006, Simple Machines LLC

? 2007 - 2011 MALAGO Community All rights reserved
Valid XHTML 1.0! Valid CSS! Dilber MC Theme by HarzeM
Page created in 0.131 seconds with 22 queries.