malago logo    Home    About Us    Forum    Portal    MyProfileLog InSign Up

Freemium Info


Recent News
Immigration
Overstayer
Crimes & Violence
Illegal Activity
Phil/Government
Work/Company
Marriage
Others
Technology
Pinoy Community
Pinoy Crime
Accidents & Incidents
Nikkeijin (JaPinoy)




Kids Week, panibagong renkyuu na isasabatas ng Japan (05/23)
Dalawang magkasunod na snatching incident, nangyari na naman sa Saitama (05/23)
Convini, pinasok ng holdaper, 180 lapad natangay (05/23)
Convini, naholdap ng lalaki, 48 lapad natangay (05/21)
3 babae, tinangkang patayin ng isang lalaking may dalang gunting (05/21)


Isang kotse, nahulog sa multistory parking area, 3 patay

Jan. 01, 2017 (Sun)


Kanagawa Yokosuka City. Isang sasakyan ang nahulog sa isang multistory parking area kahapon December 31 ganap ng 1PM kung saan 3 ang namatay at 2 ang nasa malubhang kalagayan.

Nangyari ang incident sa isang department store parking space na SAIKAYA. Nahulog ang sasakyan mula sa 5th floor na meron taas na 13 meters. Meron itong sakay na limang katao na isang family. Ang mag-asawa at lola na sakay nito ay parehong patay sa lakas ng tama, at ang dalawang anak naman na age 16 and 11 ay nasa malubhang kalagayan ngayon ayon sa news.

Nalaman na ang kotse ay umaandar ng patalikod upang mag-park ng bigla itong mag-accelerate, lumusot sa fence at tuloy-tuloy itong nahulog mula sa 5th floor. Sinisiyasat pa rin ng mga pulis kung anong cause ng accident ayon sa news.