malago logo    Home    About Us    Forum    Portal

Freemium Info


Recent News
Immigration
Overstayer
Crimes & Violence
Illegal Activity
Phil/Government
Work/Company
Marriage
Others
Technology
Pinoy Community
Pinoy News
Accidents & Incidents
Nikkeijin (JaPinoy)
Health Issue
Family Feud
Carework
Sex Offenders
Drug Violation
Minors Crimes
Visa Issue
Divorce
Showbiz
Singapore




Work in Japan as Nurse or Careworkers under JPEPA, application is open now (04/19)
Nahospital sa pag-take ng Kobayashi supplement, umabot na sa 236 katao (04/19)
Buwan ng Mayo, pinakaraming nahuhulog na bata sa Tokyo area (04/19)
Tourist in Japan last March, umabot sa 3 Million (04/18)
Lalaki, huli sa paninipang bigla sa 2 years old kid (04/18)


Paso sa mukha ng bata, sanhi ng pagbuhos ng mainit na tubig ng nanay

Jan. 13, 2016 (Wed), 4,747 views


For your documents translation, contact us here in MALAGO.


This is a follow up news about sa case ng isang 3 year old girl na minaltrato at pinabayaan ng kanyang nanay at kinakasama nitong lalaki hanggang sa ito mamatay, kung saan hinuli na rin ng mga pulis ang mag-partner sa charge na pagpapabaya nila dito.

Ayon sa mga news now, inamin na ng nanay ng bata kung ano ang naging sanhi ng pagkasunog ng mukha ng anak nya, at ang dahilan nito ay binuhusan daw nya ito ng mainit na tubig. Ito ay nagdulot ng pakapaso ng balat ng bata sa buong mukha at parteng leeg nito.

Lumabas din sa investigation ng mga pulis na maraming mga sugat sa katawan ang bata, at makikitang halos araw araw nila itong sinasaktan. Nakita rin sa loob ng bahay ng mag-partner ang isang closet kung saan meron itong lock at meron bakas na ikinulong nila ang bata dito.

Ayon naman sa mga kapitbahay kung saan sila nakatira, meron time na nakikita nila ang bata na nilalabas ng mag-partner sa hating gabi at umiiyak ito. Nakita din ng mga pulis sa LINE conversation ng mag-partner na ito kung ano ang mga pagmamaltrato na gagawin nila sa bata na pinag-uusapan pa nila ang detalye.

Ang bata ay nakitang wala ng ulirat at malamig na ang katawan noong January 9 ng umaga ng kanyang nanay at sya ring tumawag sa 110 number. Nakita na lamang ng mga dumating na pulis ang bata sa loob ng futon na paso ang buong mukha at ito ay patay na nga.



BC, MC, Cenomar, Red Ribbon, etc. application in PSA/DFA, click here.


Have problem creating your SPA, Authorization Letter, Affidavit, etc. click here.


Need application form for visa application & other legal documents, click here.