malago logo    Home    About Us    Forum    Portal

Freemium Info


Recent News
Immigration
Overstayer
Crimes & Violence
Illegal Activity
Phil/Government
Work/Company
Marriage
Others
Technology
Pinoy Community
Pinoy News
Accidents & Incidents
Nikkeijin (JaPinoy)
Health Issue
Family Feud
Carework
Sex Offenders
Drug Violation
Minors Crimes
Visa Issue
Divorce
Showbiz
Singapore




Work in Japan as Nurse or Careworkers under JPEPA, application is open now (04/19)
Nahospital sa pag-take ng Kobayashi supplement, umabot na sa 236 katao (04/19)
Buwan ng Mayo, pinakaraming nahuhulog na bata sa Tokyo area (04/19)
Tourist in Japan last March, umabot sa 3 Million (04/18)
Lalaki, huli sa paninipang bigla sa 2 years old kid (04/18)


Pinay, huli sa pambubutas ng gulong sa Yokohama City

Oct. 22, 2019 (Tue), 962 views


For your documents translation, contact us here in MALAGO.


Yokohama City. Ayon sa news na ito from Sankei, isang kababayan natin ang hinuli ng Kanagawa police kahapon October 21, bilang primary suspect nila sa nangyayaring pambubutas ng gulong sa lugar na nabanggit.

Ang hinuli nila sa property damage charge ay isang Pinay, age 37 years old, walang work, na nakatira sa Yokohama City Minami-Ku Karasawa. Hindi naman inamin ng kababayan natin ang charge laban sa kanya at sinasabi lang nitong wala daw syang natatandaan.

Ang kababayan natin ay suspect sa pambubutas ng gulong ng kuruma na naka-park sa parking area ng isang bahay na pag-aari ng isang babae, age 56 years old, company director, na nakatira sa Yokohama City Naka-ku Yamamoto-cho. Nangyari ang pambubutas nito noong October 9 ganap ng 11:45PM. Binutas nito ang isang gulong ng kuruma gamit ang matulis na bagay.

Ayon sa mga pulis, simula noong October 9 hanggang 10, meron dalawang cases of same incident na nangyari sa parehong lugar, at 14 cases naman sa paligid ng tinitirahan ng kababayan natin. Sinisiyasat nila sa ngayon kung kagagawan nya ito lahat o hindi.



BC, MC, Cenomar, Red Ribbon, etc. application in PSA/DFA, click here.


Have problem creating your SPA, Authorization Letter, Affidavit, etc. click here.


Need application form for visa application & other legal documents, click here.