malago logo    Home    About Us    Forum    Portal    MyProfileLog InSign Up

Freemium Info


Recent News
Immigration
Overstayer
Crimes & Violence
Illegal Activity
Phil/Government
Work/Company
Marriage
Others
Technology
Pinoy Community
Pinoy Crime
Accidents & Incidents




Dalawang Japanese zoo caretaker, kinagat ng lion (01/23)
Japanese father, pinatay ng anak gamit ang metal bat (01/23)
Gasoline stand naholdap, bentang 54 lapad natangay (01/23)
High school girl, natagpuang patay sa loob ng hotel (01/22)
Natutulog na 2 year old baby girl, namatay sa day care center (01/22)


Isang lalaki, tumalon sa paparating na express train, patay

Jan. 10, 2017 (Tue)


Tokyo Oota-Ku. Ayon sa news na ito, isang lalaki ang tumalon sa isang paparating na express train at ito ay namatay. Ang katawan ng lalaki ay tumilapon sa platform ng mahagip ito ng train at tumama sa isang babaeng naghihintay din ng train.

Nangyari ang incident noong January 8 ganap ng 8:30PM sa Keikyuu Line Zōshiki Station. Ang lalaki ay biglang tumalon mula sa platform at ito ay nahagip ng rumaragasang express train.

Tumalsik ang katawan nito ng mahagip ng train at tumama sa katawan ng isang babae na nasa platform din. Ang babae ay nagtamo ng pinsala sa ulo at katawan nito at matindi ang naging psychological effect nito sa kanya ayon sa news.