malago logo    Home    About Us    Forum    Portal

Freemium Info


Recent News
Immigration
Overstayer
Crimes & Violence
Illegal Activity
Phil/Government
Work/Company
Marriage
Others
Technology
Pinoy Community
Pinoy News
Accidents & Incidents
Nikkeijin (JaPinoy)
Health Issue
Family Feud
Carework
Sex Offenders
Drug Violation
Minors Crimes
Visa Issue
Divorce
Showbiz
Singapore




Work in Japan as Nurse or Careworkers under JPEPA, application is open now (04/19)
Nahospital sa pag-take ng Kobayashi supplement, umabot na sa 236 katao (04/19)
Buwan ng Mayo, pinakaraming nahuhulog na bata sa Tokyo area (04/19)
Tourist in Japan last March, umabot sa 3 Million (04/18)
Lalaki, huli sa paninipang bigla sa 2 years old kid (04/18)


3 months old baby girl, nilunod ng nanay sa ofuro, patay

Jan. 12, 2017 (Thu), 4,045 views


For your documents translation, contact us here in MALAGO.


Kita Kyuusyuu City. Ayon sa news na ito, isang Japanese mother age 32 years old, contractual employee, at ang kinakasama nitong lalaki, age 32 years old ay parehong hinuli ng mga pulis sa charge na murder matapos nitong mapatay sa pamamagitan ng paglunod at pananakit sa sariling anak ng babae.

Lumabas sa investigation ng mga pulis na ang nanay at ang kinakasamang lalaki nito ay pumasok sa isang hotel sa lugar na nabanggit last month na kasama ang 3 months old baby girl. Dito nila nilunod sa bath tab ang baby at pinagsasaktan pa sa ulo.

Isinugod ng nanay ang bata sa isang hospital ng mapansin nyang wala na itong malay at sinabi nyang nalunod ito habang karga karga nya loob ng bath tab. Nagtaka ang mga hospital staff sa sinapit ng bata at sa mga pasang nakita sa katawan kung kayat itinawag nila ito sa mga pulis.

Wala pang sinasabi ang mga pulis kung umaaamin na ang dalawa sa charge sa kanila at kung ano ang naging motibo nila sa ginawa nila sa bata ayon sa news na ito.



BC, MC, Cenomar, Red Ribbon, etc. application in PSA/DFA, click here.


Have problem creating your SPA, Authorization Letter, Affidavit, etc. click here.


Need application form for visa application & other legal documents, click here.