malago logo    Home    About Us    Forum    News

Portal Top


Kailan mo malalaman ang My Number information na ibibigay sa iyo?

Nov. 24, 2015 (Tue), 75 views


For your documents translation, contact us here in MALAGO.



Ang My Number information na ibibigay sa bawat individual ay magsisimulang ipadala ng mga local municipality starting OCTOBER 2015. Ito ay ipapadala sa inyong mga address na naka-register sa inyong Residence Certificate kung saan kayo nakatira sa Japan.


Ang My Number ay binubuo ng 12 DIGIT number, at ito ang inyong magiging identification number na unique at walang magkakatulad. Ito ay ibibigay din hindi lamang sa mga Japanese citizen kundi pati na rin sa mga foreigner na nakatira sa Japan in long term basis o meron hawak na LONG TERM VISA.

Ang inyong local municipality ay magpapadala ng NOTIFICATION CARD na naglalaman ng inyong MY NUMBER ID. Ang number na ito ay hindi na mababago kaya pagka-ingatan at itago ito para hindi mawala. Ito na rin ang inyong gagamitin habang buhay at habang kayo ay nakatira dito sa Japan.



BC, MC, Cenomar, Red Ribbon, etc. application in PSA/DFA, click here.


Have problem creating your SPA, Authorization Letter, Affidavit, etc. click here.


Need application form for visa application & other legal documents, click here.