malago logo    Home    About Us    Forum    News

Portal Top


Expired visa, hindi na magagamit sa pagpasok muli ng Japan

Jun. 20, 2017 (Tue), 342 views


For your documents translation, contact us here in MALAGO.



Para sa mga ilan na hindi pa alam, tulad ng mga nagtatanong here sa MALAGO recently, ang isang expired visa, expired passport, expired re-entry permit at kung ano pang document ay hindi na ninyo magagamit kung hindi na ito valid or expired na ang validity period nito. Kahit na ano pa ang pakiusap ninyong gawin lalo na sa mga meron expired visa na gustong makapasok muli ng Japan, hindi kayo papayagan ng immigration na makapasok ng Japan muli.


Para kayo ay muling makapasok ng Japan, kinakailangan ninyong mag-apply ng panibagong visa starting to zero. Need ninyong magpasa ulit ng mga kinakailangang documents upang mabigyan ulit kayo ng panibagong visa depende kung kayo ay eligible pa rin.

So tandaan na its your responsibility na tandaan lagi ang validity ng inyong visa lalo na kung kayo ay uuwi ng Pinas. Make sure na bago ito ma-expired ay muli kayong papasok ng Japan upang walang maging problem at mag-apply lang kayo ng renewal kung ito ay malapit ng ma-expired. Maging ang visa ng inyong mga anak na Japanese sa Pinas ay kailangan nyo ring tandaan ang validity nito upang hindi sila maging overstayer.



BC, MC, Cenomar, Red Ribbon, etc. application in PSA/DFA, click here.


Have problem creating your SPA, Authorization Letter, Affidavit, etc. click here.


Need application form for visa application & other legal documents, click here.