malago logo    Home    About Us    Forum    News

Portal Top


Is COE and Visa validity period are the same?

Feb. 10, 2015 (Tue), 131 views


For your documents translation, contact us here in MALAGO.



Ito ang isa sa mga malimit na itanong dito sa MALAGO lalo na don sa mga hindi makakapunta ng Japan because of sudden change on their schedule or some emergency cases na dapat nilang gawin sa Pinas.


Ayon sa Japan immigration, ang validity ng COE at validity ng VISA ay magkaiba at hindi dapat sundin pareho. Ang validity ng COE ay ang period kung saan kinakailangan mong gamitin ito para makapag-apply ng visa. Kung hindi mo ito nagamit within its validity period, magiging invalid na ito at hindi mo na pwedeng gamitin pa on your visa application. You need to apply for a new one again.

Now, kapag nakapag-apply ka na ng visa gamit ang COE at ito ay naaprobahan ng Japanese Embassy, ang visa na ibinigay sa inyo ay meron din validity period. Ang validity period naman na ito ay ang period kung hanggang kelan ka dapat makapasok in Japan. Kapag lumagpas na ang validity period ng visa mo at hindi ka pumasok ng Japan, magiging invalid din ito kung kayat hindi ka na makakapasok sa Japan kahit meron ka pang visa. Kailangan mo ulit mag-apply ng visa para makapasok ng Japan. This time lalong magiging mahirap dahil you will start from the beginning again, at kailangan mo pang sagutin ang tanong ng Japanese Embassy kung bakit hindi mo ginamit ang visa na ibinigay sa iyo before.



BC, MC, Cenomar, Red Ribbon, etc. application in PSA/DFA, click here.


Have problem creating your SPA, Authorization Letter, Affidavit, etc. click here.


Need application form for visa application & other legal documents, click here.