malago logo    Home    About Us    Forum    News

Portal Top


Important information about influenza in Japan

Jan. 23, 2018 (Tue), 3,474 views


For your documents translation, contact us here in MALAGO.



Para sa mga kababayan nating naninirahan dito sa Japan, I think ang ilan sa atin here ay nagkaroo na ng influenza, para sa mga hindi pa nakaranas ng sakit na ito, be aware about this influenza here in Japan. Ito ang ilang mahahalagang information na dapat ninyong malaman tungkol sa sakit na ito.


First, ang influenza ay hindi katulad ng isang pangkaraniwang ubo lamang na maaaring magkaroon ka any time sa loob ng isang taon. Ang influenza ay tinatawag nilang seasonal sickness. Here in Japan, mostly nag-uumpisa ito from November which is bumababa na ang temperature at lumalamig na ang panahon. From November to December, this is the period na kumakalat ang virus at dumarami ang nagkakasakit, then from January to March, papawala na ito at kumukunti na rin ang bilang ng mga pasyente na nagkakaroon nito. By April, halos wala nang pasyenteng nagkakaroon nito.

Second, kapag nahawa ka nito at pumasok na sa katawan mo ang influenza virus, meron maximum THREE (3) DAYS na INCUBATION PERIOD nilang tinatawag kung saan mananatili ang virus sa katawan mo at wala ka pang mararamdaman na pagbabago. Then after 3 DAYS, this is the time na lalabas na ang mga symptoms ng sakit na influenza. This will last for 1 to 3 DAYS. Ang mga symptoms nito sa loob ng tatlong araw ay pagkakaroon ng lagnat na more than 38 degrees, physical weariness, pananakit ng mga joints at muscles, headache, at pagkawalang ganang kumain. Ito ang mararamdaman mo mostly sa loob ng unang tatlong araw.

Makalipas ang tatlong araw, magkakaroon ka ng ubo, pananakit ng lalamunan, pagkaroon ng sipon, pananakit ng balakang at pati na rin ang digestion ng inyong katawan ay maapektuhan din. Mararamdaman nyo ito for almost a week ayon sa mga medical expert. After almost 10 days at meron kayong iniinom na gamot, kayo ay totally na gagaling sa sakit na influenza.

Now, kung meron kayong iniinom na gamot, make sure na inumin o ubosin ang lahat ng ito ayon sa reseta na binigay sa inyo kahit na wala na kayong mataas na lagnat at akala nyo ay magaling na kayo. Kahit na akala nyo ay magaling na kayo, ang influenza virus ay hindi pa totally namamatay o nawawala sa inyong katawan, kung kayat sinasabi ng mga doctor na manatili sa bahay ng at least two days at wag lalabas upang hindi ninyo maipasa sa iba ang virus na nasa inyong katawan.

Ang sakit na ito ay hindi delikado at maaari kayong gumaling agad kung inyong maaagapan at uminom ng tamang gamot na binigay ng inyong doctor.



BC, MC, Cenomar, Red Ribbon, etc. application in PSA/DFA, click here.


Have problem creating your SPA, Authorization Letter, Affidavit, etc. click here.


Need application form for visa application & other legal documents, click here.