malago logo    Home    About Us    Forum    News

Portal Top


Anong mga prevention na mainam para di magkaroon ng sakit na INFLUENZA?

Jan. 24, 2018 (Wed), 1,352 views


For your documents translation, contact us here in MALAGO.



Dito sa Japan, upang hindi kayo magkaroon ng INFLUENZA, ang pinaka mainam na prevention na dapat gawin ay ang pagpa-inject ng influenza vaccine bago pa man dumating ang season nito every year.


Sa pamamgitan ng vaccine, mababawasan nito ang possibility na lumala ang condition ng katawan ng isang tao na maaaring ikamatay nito at the time na magkaroon na sya ng INFLUENZA. Here in Japan, halos every year, dumarami ang nagpapa-inject ng vaccine. Marami rin ang mga company na nagsasagawa ng vaccination bago dumating ang season mismo sa loob ng kanilang company upang hindi magkaroon ng influenza ang kanilang mga workers.

Ang vaccine na kanilang ginagawa ay depende sa kanilang assumption kung ano ang magiging uri nito sa susunod na paglaganap nya. Ang effect ng vaccine ay umaabot ng isang taon, kung kayat, makakabuti na gawin nyo rin ito every year.

Ang isa pang effective na prevention na maaari ninyong gawin ay ang paghuhugas ng kamay, at pagmumumog ng tubig agad kung kayo ay umuwi ng bahay at galing sa labas. Sa pamamagitan nito, ang mga dumikit na virus sa inyong mga kamay at daliri ay mawawala, at ang mga dumikit na virus sa inyong mga bibig ay maari din na matanggal.

Ang pagsuot din ng mask ay isang effective na prevention upang hindi kayo mahawa sa mga meron sakit nito lalo na kung kayo ay pupunta sa mga mataong lugar. Kung kayo ay pagod, kulang sa tulog o meron chronic disease, magpahinga ng mabuti at iwasang lumabas dahil prone kayong mahawa sa sakin na ito ayon sa mga expert.



BC, MC, Cenomar, Red Ribbon, etc. application in PSA/DFA, click here.


Have problem creating your SPA, Authorization Letter, Affidavit, etc. click here.


Need application form for visa application & other legal documents, click here.