malago logo    Home    About Us    Forum    News

Portal Top


Ano ang mga conditions para makapag-apply ng Seikatsu Hogo benefit?

Jan. 13, 2015 (Tue), 409 views


For your documents translation, contact us here in MALAGO.



After na ma-define natin kung ano ang meaning at purpose ng SEIKATSU HOGO SYSTEM, now lets discuss naman here kung ano-ano ang mga conditions upang makapag apply ka ng benefit na ito. Take note na dahil sa naghihirap ka now ay eligible ka na agad na makapag-apply nito. Hindi po ganun kadali dahil meron pang mga conditions and you have to passed it bago ka nila tanggapin na applicant.


Below are the conditions na tinitingnan nila sa isang applicant bago nila aprobahan kung karapat dapat ba itong makatanggap ng benefit na ito. After passing all this, that will be the only time na aaprobahan nila ang inyong application.

MERON VALID NA REASON KUNG BAKIT HINDI MAKAPAG-TRABAHO
Kung meron kang valid reason like meron kang malubhang sakit, meron kang maliit na batang inaalagaan kung kayat hindi ka makapag-trabaho ay ilan sa mga valid reason. Ibig sabihin, ang mga taong able to work are not allowed to apply for this benefit.


WALANG ARI-ARIAN OR PROPERTY
Kung kayo ay meron naiipon na pera sa banko, meron life insurance, meron ari-arian tulad ng bahay, car at iba pa ay maaari ninyong ipalit into cash para magamit ninyo sa pamumuhay. Kung nagawa nyo na ito subalit kulang pa rin ito upang mamuhay kayo ng normal, you are eligible to apply for this benefit.


WALANG KAPAMILYANG TUTULONG
In general, yong mga kamag-anak until third degree ay meron responsibility na tulungan ang kanilang naghihirap na kapamilya. Subalit kung sila rin ay naghihirap at wala ng kakayahang tumulong sa isang applicant ng benefit na ito, maaaring maging eligible kayo to apply.


TUMATANGGAP NG IBANG BENEFITS SUBALIT KULANG PA RIN
Kung kayo ay tumatanggap ng iba pang social benefits like pension, medicare, child care allowance, unemployment benefits subalit kulang pa rin ito para sa inyong pamumuhay, maaari kayong mag-apply ng seikatsu hogo benefit.


Kapag ang condition ng pamumuhay nyo ay nakapasok sa mga conditions na nabanggit sa taas, this is the only time na pwede kayong mag-apply ng seikatsu hogo benefit. Other than this, at inilihim nyo ito at the time of your application at nag start kayong makatanggap ng benefit na ito, that will be punishable by law.



BC, MC, Cenomar, Red Ribbon, etc. application in PSA/DFA, click here.


Have problem creating your SPA, Authorization Letter, Affidavit, etc. click here.


Need application form for visa application & other legal documents, click here.