malago logo    Home    About Us    Forum    News

Portal Top


Kailangang maging legal or registered member muna bago makakuha ng mga social benefit

Jan. 24, 2017 (Tue), 2,021 views


For your documents translation, contact us here in MALAGO.



Tulad din ng alam ng karamihan here, maraming magagandang social benefits ang Japan at ito ay malaking tulong sa mga mamamayan na nakatira dito. Madalas din kaming nagpo-post dito sa MALAGO ng mga pagbabago sa rules and guidelines ng mga social benefits na ito, at sa bawat post namin, marami kaming natatanggap na mga tanong kung paano makaka-avail ng mga social benefits na ito, kaya lang marami din yong mga nagtatanong na alam din nila sa sarili nila na wala silang karapatang tumanggap.


Common sense lang din naman, hindi lamang sa mga social benefit na ito, sa anomang mang bagay, bago kayo makatanggap ng isang tulong mula sa isang institution, kailangan na maging legal at valid members kayo, registered, meron contribution na naibigay, at kung ano ano pa base sa itinakda nilang requirements. Ilan sa mga madalas naming matanggap na tanong tungkol sa pagtanggap ng mga social benefits here ay ang mga sumusunod:


1. Pagtanggap ng Kodomo Teate
Ang rule dito para makatanggap ay simple lamang. Need nyong mapa-register ang inyong anak sa city hall kung saan kayo nakatira. Japanese man or Pinoy ang anak ninyo, sila ay makakatanggap. Kaya lang, para sa mga nagtatanong na ang kanilang anak ay nasa Pinas na gustong makatanggap ng benefit, its impossible po dahil di magbibigay ang Japanese government ng tulong sa inyo kung ang anak ninyo ay hindi naka register dito sa Japan. Wala po silang rights kahit na sabihin nyo pong anak sila ng Japanese as long na hindi nyo sila napapa-register sa Japan.


2. Pagkuha ng Tax Refund
Simple lang din ang rule dito, kailangang meron kang binayarang tax para makapag-refund. Kung wala kang binabayarang tax kahit meron ka pang pinapadalhan sa Pinas, ano ang ibabalik or refund sa iyo? Wala rin po. Ito ay TAX REFUND at hindi REMITTANCE REFUND. Ito ang isa pa naming madalas na matanggap na tanong here. Wala pong REMITTANCE REFUND, kung meron nito, abay hindi na magtatrabaho ang lahat ng tao. Mangungutang na lang sa banko at ipapadala sa Pinas dahil maibabalik naman pala ito. So remember na meron ka munang dapat bayarang tax, para merong maibalik na tax rin sa iyo.


3. Benefits na natatanggap ng mga nanganganak
Ito ang benefit naman na nakukuha ng isang babae kapag nanganak sya here in Japan. Known in Japanese as SYUSSAN IKUJI ICHIJIKIN or SYUSSAN TEATEKIN na umaabot sa 42 lapad. Madalas namin matanggap ang tanong na ito sa mga nanganganak na Pinoy here kung paano nila matatanggap ito. Then pag tinanong namin sila kung member ba sila ng isang health insurance, and declared na dependent ng kanilang mister, the answer is no. The rule here is simple lang din po, need nyo na maging legal members ng isang health insurance (KOKUMIN KENKOU HOKEN or KENKOU HOKEN ng company), or maging dependent ng inyong asawa. Kung hindi po, saan at sino ang magbibigay sa inyo ng 42 lapad? I think no one will give you that amount. Para makuha ang amount na ito, bago kayo manganak or magbuntis, dapat na legal member na kayo.


4. Kenkou Hoken or Health Insurance
Dahil sa masyadong taas ng medical expenses here in Japan, marami rin ang nagtatanong sa amin tungkol dito kung makakakuha ba sila ng tulong. The sad thing is, yong iba ay gusto lang kumuha or gustong magpa-member kapag meron ng sakit. That is not the right thing po, kailangan ding maging member kayo nito bago kayo magkasakit para meron ding tutulong sa inyo at the time na nagkasakit kayo at meron kayong malaking medical expenses na babayaran. Walang organization or company na tutulong sa inyo at the time na nagkasakit na kayo.

Iilan lamang ito sa mga madalas na itanong dito sa amin sa MALAGO. Ang point namin here ay para malaman or ipa-remind sa inyo na bago kayo makapag-apply ng anomang benefits here in Japan, you should be a valid member, or a register individuals, meron binabayaran din at kung ano-ano pa ayon sa kanilang mga requirements. Hindi kayo basta basta makakakuha ng anomang benefits na ganun lamang kadali.



BC, MC, Cenomar, Red Ribbon, etc. application in PSA/DFA, click here.


Have problem creating your SPA, Authorization Letter, Affidavit, etc. click here.


Need application form for visa application & other legal documents, click here.