malago logo    Home    About Us    Forum    News

Portal Top


Visa Extension application, magiging online na by year 2018

Nov. 08, 2017 (Wed), 1,548 views


For your documents translation, contact us here in MALAGO.



Ayon sa news na ito from Yomiuri, naglabas ng pahayag ang Japan Ministry of Justice na kanilang inihahanda sa ngayon ang mga kailangang gawin upang maging possible na ang online application ng mga VISA EXTENSION APPLICATION at CHANGE VISA STATUS APPLICATION starting next year.


Sa dami ngayon ng mga application na pina-process nila sa Immigration, ang pagkakaroon ng online application ay makakatulong sa pagbawas nito at pagpapabilis ng processing time. Magiging isang factor din ito upang mahikayat nila ang mga IT professionals sa ibang bansa na pumasok ng Japan at magtrabaho dito.

Inaayos na nila ang magiging policy sa implementation nito at target nilang mag-start by middle of year 2018. Ang budget na kailangan para dito ay tinatayang aabot sa 1.5B YEN at isasama nila ito sa budget na kanilang hihingiin for next year sa present administration ayon sa news.



BC, MC, Cenomar, Red Ribbon, etc. application in PSA/DFA, click here.


Have problem creating your SPA, Authorization Letter, Affidavit, etc. click here.


Need application form for visa application & other legal documents, click here.