malago logo    Home    About Us    Forum    News

Portal Top


4TH Generation Visa Renewal Procedure (Proposal)

Feb. 07, 2018 (Wed), 997 views


For your documents translation, contact us here in MALAGO.



Ang procedure na ito sa pag-renew ng visa ng mga 4th generation na papasok dito sa Japan ay nilabas din ng Japan Ministry of Justice bilang kanilang proposal kasabay ng pag-start nila ng pagtanggap ng mga public comment noong nakaraang January.


Tulad ng nabanggit din sa kanilang proposal, ang ibibigay na visa sa mga 4th gen na papasok here in Japan ay 1 YEAR lamang, subalit ito ay magiging renewable. At bawat renew application nito every year, meron mangyayaring evaluation sa mga applicants.

Ayon dito, magiging malaki ang part ng isang guarantor or sponsor ng isang 4th gen na papasok dito sa Japan sa pag-renew ng kanilang visa upang manatiling manirahan at makapag-trabaho dito sa Japan. Ang obligation ng mga ito ay magbigay ng mga information tungkol sa pamumuhay dito sa Japan, about Japanese language, medical insurance, employment, residency, Japanese culture, community activity at iba pa. Ang isang guarantor ang syang malalapitan ng isang 4th gen upang mag consult nang anomang bagay tungkol sa pamumuhay dito sa Japan, at obligation ng guarantor na ma-provide ang mga ito.

Kinakailangang mag-submit ng report ang isang 4th gen sa kanyang guarantor tungkol sa kanyang naging activity sa loob ng isang taon at ito ay kailangang ma-check din ng guarantor.

At the time of visa renewal application, ang isang 4th gen ay maaaring mag-apply nito sa immigration office, then ang guarantor naman ay kinakailangang mag-submit ng report sa immigration tungkol sa naging activity at status ng 4th gen applicant na under sa kanyang custody. Ang REPORT na ito ay magiging malaking bagay at syang magiging susi at basehan ng immigration kung ang isang 4th gen applicant ay dapat extend ang stay dito sa Japan o hindi.



BC, MC, Cenomar, Red Ribbon, etc. application in PSA/DFA, click here.


Have problem creating your SPA, Authorization Letter, Affidavit, etc. click here.


Need application form for visa application & other legal documents, click here.