malago logo    Home    About Us    Forum    News

Portal Top


Paano makapag-apply ng student visa dito sa Japan?

Feb. 05, 2017 (Sun), 1,204 views


For your documents translation, contact us here in MALAGO.



Recently maraming nagtatanong sa amin dito sa MALAGO kung paano makapag-apply ng STUDENT VISA (SV) so we decided to post this info here. Ang SV ay hindi basta lang ina-apply sa Japanese Embassy dahil sa gusto nyo ito ang maging visa ninyo, its not that easy. The trick here is, kailangan na maging student muna kayo para makakuha o makapag-apply ng SV. Ang pinaka procedure o step by step na kailangan nyong gawin ay ang mga sumusunod.


First, kailangan nyong maghanap muna ng school dito sa Japan kung saan nyo gustong mag-aral base sa course na gusto nyong kunin. Hanap kayo ng school don sa lugar na malapit sa magiging sponsor nito or titirahan nyo dito sa Japan sakaling makapasok ka na bilang student upang makatipid kayo sa pera.

Second, mag-enroll sa mga school na ito base sa kanilang itinakdang procedure. Kadalasan sa mga school na ito ay meron mga screening at mga examination. So hindi rin ganun kadali na makapasok kahit na meron kayong pangbayad sa kanilang tution fee. Mostly, meron mga requirements about sa enrollment na nakalagay sa mga homepage ng school. So check it para malaman ninyo kung ano ang dapat ninyong gawin at dapat ihandang mga documents.

Third, bayaran ang tuition fee na itinakda ng school base sa course na inyong gustong kunin. Mostly ito ay in-cash for one semester. Better to check also the info about this sa homepage ng school. Kadalasan din, kapag naka-enroll ka na formally, they will send you info about this.

Forth, kapag formally ka ng natanggap as student sa school na gustong mong pasukan, bibigyan ka ng school ng mga documents na kailangan mo para sa pag-apply mo ng COE (Certificate Of Eligibility) para sa SV na apply mo sa Japanese Embassy. May mga school na sila na mismo ang mag-aapply ng COE para sa inyo at kasama na ito sa babayaran mo. Pagnakakuha na sila ng COE, ipapadala nila ito sa iyo para sa SV application mo sa Pinas.

Fifth, kapag natanggap nyo na ang COE mula sa school, its time na apply na kayo ng SV sa Japanese Embassy thru accredited agency sa Pinas. This is the only time na pwede kayong makapag-apply ng SV dahil pag wala kayong COE na galing sa school, its impossible na makapag apply kayo ng SV papasok ng Japan.

Sixth, once na na-release na ang inyong SV, that will be the time na pwede na kayong makapasok sa Japan bilang isang ganap na student holding SV.

So, above is the summary of the steps you need to do para makakuha ng SV papasok ng Japan. Remember na hindi kayo makakakuha ng SV ng walang documents na manggagaling sa school na papasukan ninyo dahil ang school ang tatayong guarantor ninyo at hindi ang sinomang member ng family nyo living here in Japan. Maaring sila lang ang tatayong guarantor ninyo sa pag-enroll sa school but not for SV application.



BC, MC, Cenomar, Red Ribbon, etc. application in PSA/DFA, click here.


Have problem creating your SPA, Authorization Letter, Affidavit, etc. click here.


Need application form for visa application & other legal documents, click here.