malago logo    Home    About Us    Forum    News

Portal Top


Ano ang nenkin payment exemption benefit na maaari nyong ma-avail?

Nov. 07, 2017 (Tue), 4,272 views


For your documents translation, contact us here in MALAGO.



Kung kayo ay pinaldahan ng notice ng Pension Office about sa KOKUMIN NENKIN na dapat ninyong bayaran, hwag na hwag ninyo itong ipagsawalang bahala. Need ninyo itong bayaran, subalit kung sakaling hirap kayo dahil sa walang stable job or dahil sa iba pang dahilan, maaaring mag-apply kayo ng PENSION PAYMENT REDUCTION at PAYMENT POSTPONEMENT program nila. Ito ang dalawang program na pwede ninyong ma-avail in case na hirap kayo sa pagbabayad ng nenkin ninyo.


First, lets discuss first ang PENSION PAYMENT REDUCTION na tinatawag nila sa Japanese na 保険料免除制度 (HOKENRYOU MENJO SEIDO). Ang system na ito ay pwede ninyong ma-avail kung kayo ay walang stable income here in Japan at hirap sa pagbabayad ng KOKUMIN NENKIN. Ito ay para sa mga mamamayan na biglang nawalan ng work at naging kunti ang income na pumapasok sa kanila.

Kung kayo ay mag-apply nito, ang babayaran ninyong nenkin amount ay depende sa naging income ninyo ng mga nakaraan pang mga taon. In case na maaaprobahan ang inyong application, base sa amount na na-compute, ang babayaran ninyo na nenkin ay maaaring mabawasan ng 25%, 50%, 75% or maybe full amount pa.

So, in case na hirap kayo sa pagbabayad ng inyong NENKIN contribution monthly dahil sa liit ng inyong kinikita, subukan ninyong pumunta ng PENSION OFFICE at mag-apply ng program na ito upang mabawasan ang contribution amount ninyo monthly at ng sa ganun ay patuloy pa rin kayong makapag bayad ng contribution ninyo ng walang palya.



BC, MC, Cenomar, Red Ribbon, etc. application in PSA/DFA, click here.


Have problem creating your SPA, Authorization Letter, Affidavit, etc. click here.


Need application form for visa application & other legal documents, click here.