malago logo    Home    About Us    Forum    News

Portal Top


Bakit walang record ng Birth/Marriage Certificate sa NSO

Dec. 10, 2016 (Sat), 1,089 views


For your documents translation, contact us here in MALAGO.



Isa sa madalas naming matanggap na katanungan here in MALAGO ay kung bakit wala silang makuhang record ng kanilang kasal o pagkapanganak ng kanilang anak sa NSO kahit na nag-submit sila ng application sa city hall sa Japan at aprobado ito.


Then when we asked them kung nag-submit sila ng REPORT OF BIRTH or REPORT OF MARRIAGE sa Philippine Embassy, ang sagot nila ay hindi. Well, its a common sense lang na wala silang makukuhang record sa NSO kapag ganun ang case. It seems na merong iilan sa ating kababayan na ang paniniwala ay kapag nakapag-submit na sila ng application sa city hall ay automatic na silang magkakaroon ng record sa NSO.

Ang NSO po at mga city hall here in Japan kung saan natin pinapasa ang ilang mga application form like SYUSSEI TODOKE (Birth Certificate) ay wala pong connection sa isat-isa. Hindi rin po connected ang kanilang mga system kaya hindi rin po automatic na magkakaroon na kayo ng record sa NSO.

Ang Philippine Embassy po ang tumatayong ahensya na namamagitan sa NSO at mga city hall here in Japan. At upang magkaroon tayo ng record sa NSO, dapat tayong mag-submit ng REPORT OF BIRTH or REPORT OF MARRIAGE sa Philippine Embassy. As long na hindi ninyo po ito ginagawa, di po kayo magkakaroon ng record sa NSO.

Pag hindi ninyo ito ginawa and in the future ay nangailangan kayo ng record sa NSO, don't expect na meron kayong makukuha na record dahil for sure ay wala po.

Sa mga meron anak na Japanese, kung gusto ninyong magkaroon ng record ang anak ninyo sa NSO, its your choice kung magpapasa pa kayo ng REPORT OF BIRTH. Kung wala naman at gusto nyo syang pure Japanese citizen na talaga, wala ring magiging problem.



BC, MC, Cenomar, Red Ribbon, etc. application in PSA/DFA, click here.


Have problem creating your SPA, Authorization Letter, Affidavit, etc. click here.


Need application form for visa application & other legal documents, click here.