malago logo    Home    About Us    Forum    News

Portal Top


Magkano ang monthly contribution for year 2017 sa KOKUMIN NENKIN?

Sep. 29, 2017 (Fri), 934 views


For your documents translation, contact us here in MALAGO.



Kung kayo ay sakop ng FIRST DIVISION INSURED MEMBER ng KOKUMIN NENKIN, then maaaring nakakatanggap kayo ng notice from city hall or NENKIN OFFICE about sa amount ng inyong monthly contribution na dapat ninyong bayaran. Ang notice na ito ay tinatawag na 納付書 NOUFUSYO (Payment Statement) sa Japanese.


Kapag nakatanggap kayo nito, maaaring mabayaran nyo ito sa mga banko, post office at maging sa mga convenience store. Dalhin nyo lamang ang NOUFUSYO at bayaran nyo ito sa mga establishment na nabanggit. For year 2017, ang monthly contribution now ay nasa 16,900 YEN monthly. Hindi ito mababago for one whole year at ito ang amount na babayaran ninyo.

Ang amount of contribution ay nababago every year. Kung titingnan ninyo ang monthly contribution by year starting year 2005 to present, ang amount na ito ay tumataas ng mahigit 300 YEN every year. Next year, maaaring umabot na ito ng 17,200 YEN base sa assumption computation nila.

In case na meron mga year kayong hindi nabayaran, ang dapat ninyong sundin at dapat na bayaran ay ang contribution amount on that particular year na hindi nyo nabayaran at hindi ang present year contribution amount. Maaaring mag-inquire kayo about this sa NENKIN OFFICE na meron jurisdiction sa lugar ninyo.

At the time na meron pinadala sa inyong NOUFUSYO about sa KOKUMIN NENKIN na dapat ninyong bayaran, hwag itong ipagsawalang bahala. Kung hindi ninyo kayang bayaran dahil sa laki ng amount nito, maaaring mag-consult kayo sa NENKIN OFFICE at baka magkaroon ng reduction sa inyong contribution base sa inyong annual income. Kung patuloy ninyo itong papabayaan at hindi ninyo babayaran, maaaring maipon ito at pipilitin nilang ibawas ito sa inyong mga bank account.



BC, MC, Cenomar, Red Ribbon, etc. application in PSA/DFA, click here.


Have problem creating your SPA, Authorization Letter, Affidavit, etc. click here.


Need application form for visa application & other legal documents, click here.