malago logo    Home    About Us    Forum    News

Portal Top


NENKIN BENEFIT 6: Additional (Top-up) Pension Application

Oct. 18, 2017 (Wed), 848 views


For your documents translation, contact us here in MALAGO.



Ang benefit na ito ay para rin sa mga member categorized as FIRST DIVISION INSURED MEMBER na nagbabayad directly sa KOKUMIN NENKIN. Ang tawag dito sa Japanese ay 付加年金 (FUKA NENKIN) or Top-up Pension.


Sa pamamagitan ng system na ito, maaaring mapalaki ninyo ang amount ng pension na matatanggap ninyo during your retirement. Sa binabayaran nyong monthly amount now, magdadagdag lang kayo ng 400 YEN upang maka-avail kayo nito in the future.

Sa taon na ito year 2017, ang binabayaran sa KOKUMIN NENKIN ay nasa 16,900 YEN, just add 400 YEN dito monthly para ma-avail nyo ito. Lalabas na 17,300 YEN ang total amount na babayaran ninyo monthly.

Then kapag nag-avail kayo nito, ang makukuha ninyong amount in the future ay depende sa bilang ng months na nag-contribute kayo and multiply it by 200 YEN. In case na nakapag-contribute kayo ng mga 30 years, ang amount na madadagdag sa nenkin nyo yearly ay 72,000 YEN. Please refer to the computation below.

200 YEN x 30 YEARS x 12 MONTHS = 72,000 YEN

Kung nagbayad kayo ng 400 YEN for 30 years, lumalabas na 144,000 YEN lamang ang inyong total na nabayaran. Ang amount na ito ay mababawi nyo agad sa second year na pagtanggap nyo ng nenkin, (72,000 x 2 YEARS = 144,000 YEN). Yong mga incoming years na pagtanggap nyo ng nenkin ang syang pinakatubo ninyo sa investment na gagawin nyong ito.

So kung nais ninyong madagdagan ng kahit kunti ang inyong matatanggap na pera in the future during your retirement, or in case of your disabilities, this option is a good one na i-avail ninyo.

Para sa mga gustong mag-avail nito, pumunta lamang kayo sa nenkin office upang makapag-pasa ng application. Kung maaaprobahan nila, idadagdag nila ang babayaran ninyong 400 YEN sa susunod ninyong babayaran na nenkin contribution.

Please note na ang matatanggap ninyong amount in the future ay hindi mababago. Hindi tataas o bababa dahil fix ang amount na inyo ding babayaran simula sa pagsali ninyo sa system na ito.



BC, MC, Cenomar, Red Ribbon, etc. application in PSA/DFA, click here.


Have problem creating your SPA, Authorization Letter, Affidavit, etc. click here.


Need application form for visa application & other legal documents, click here.