malago logo    Home    About Us    Forum    News

Portal Top


Ano ang nenkin payment postponement system na maaari nyong ma-avail?

Nov. 07, 2017 (Tue), 2,154 views


For your documents translation, contact us here in MALAGO.



This system is called 納付猶予制度 (NOUFU YUUYO SEIDO). Ang program naman na ito ay pwede nyong gamitin or apply kung gusto nyong ipag-paliban muna ang pagbabayad ng KOKUMIN NENKIN at bayaran ito sa mga darating na panahon na ginusto ninyo base na rin sa inyong present situation. Ang pwedeng mag-apply nito ay ang insured person mismo ang at kanilang mga spouse na dependent sa kanila. Ang age ay dapat na nasa 30 to 50 years old.


Just remember lamang po na hindi ito tulad ng reduction program dahil hindi mawawala ang payment obligation ninyo na dapat nyong gawin pag dating ng time na inyong hiniling sa kanila. In time na nagkaroon kayo ng enough budget o pera, recommendable na bayaran nyo agad ito upang hindi ito maipon at maging maganda ang inyong record sa kanila.

Ang merit ng program na ito kapag nag-apply kayo ay maipapakita nyo na hindi putol ang inyong contribution sa pension. So in case na meron mangyari sa inyo, ma-accident man kayo or namatay bigla, maaaring maka-avail kayo ng mga benefit na makukuha sa nenkin dahil ang record ninyo sa pagbabayad ay hindi putol at postpone lamang.



BC, MC, Cenomar, Red Ribbon, etc. application in PSA/DFA, click here.


Have problem creating your SPA, Authorization Letter, Affidavit, etc. click here.


Need application form for visa application & other legal documents, click here.