malago logo    Home    About Us    Forum    News

Portal Top


COE Application for Kids Invited by Parents under JPEPA(Nurse/Caregiver) Visa

Feb. 18, 2015 (Wed), 61 views


For your documents translation, contact us here in MALAGO.



Sa mga pumasok here in Japan na medical workers (Nurse/Caregiver) under JPEPA, isa sa mga napapaloob sa agreement ay ang pagpapapunta ng inyong family dito sa Japan kapag kayo ay nakapasa sa licensure examination at gustong ipagpatuloy ang pagtatrabaho dito.


Kung nais ninyong kunin ang inyong mga anak at makasama sila ditong manirahan, you need to apply for their COE. Ito ang mga information na dapat ninyong malaman at mga documents na dapat ninyong ihanda.

1. COE Application Form
Known in Japanese as 在留資格認定証明書交付申請書 (ZAIRYUU SHIKAKU NINTEI SYOUMEISYO KOUFU SHINSEISYO). You can get this document sa immigration office or you can download it from immigration homepage. You should fill-up this form and write all necessary information.

2. Pictures (1 Piece)
A picture of the applicant is needed na ilagay sa COE application form. So kailangan ang pictures ng inyong anak. Ang size is (4CM[Vertical] x 3CM[Horizontal]), 1 copy only pero mas better na send kayo ng 2 piraso to be sure. Write the kids name at the back of the picture, then idikit ito sa COE application form. Ang picture dapat ay walang suot na sumbrero, walang background at clear ang pagkakuha. Ito ay kinuha dapat within a 3 months period.

3. Return Envelope (1 Piece)
Sobre na gagamitin ng immigration para ipadala sa inyo ang result ng COE application. Dapat na nakasulat na dito ang address ninyo na meron kasamang 392 YEN Stamp (切手, KITTE) na nakadikit na.

4. Birth Certificate (1 Copy)
Ang document na ito ay magpapatunay na kayo ay mag-ama or mag-ina ng applicant. Birth certificate ng anak ninyo at birth certificate ninyo mismo na galing sa NSO ang dapat ninyong submit na meron kasamang Japanese translation. Kung kukuha kayo ng copy nito sa NSO, better to get 3 copies na para hindi na kayo kukuha pa kapag kinailangan muli. You will need this document also sa visa application ninyo at sa possible na visa extension application.

5. Copy of Residence Card
A copy of the Residence Card na hawak ninyo. Xerox ninyo ang front at back nito.

6. Copy of Passport of the Guarantor
A copy of the passport by the guarantor or the parents. Copy all the pages na meron nakalagay na information at isama ito sa copy ng inyong Residence Card.

7. Working Certificate or Employment Contract
This document will identify your working status here in Japan kung employee ka. You can get this to the company or medical institution where you are working. They call it in Japanese as 在職証明書 (ZAISYOKU SYOUMEISYO) or the 雇用契約書 (KOUYOU KEIYAKUSYO)

8. Residence Tax & Tax Payment Certificate (1 Copy)
This document ay dapat na ihanda ninyo at ito ay makukuha sa city hall kung san kayo nakatira at naka-register sa Japan. Residence Tax known in Japanese as 住民税の課税(又は非課税) (JUUMINZEI NO KAZEI/HIKAZEI) na nabayaran for 1 year at ang Tax Payment Certificate known in Japanese as 納税証明書 (NOUZEI SYOUMEISYO) for a period of 1 year also ay makukuha parehas sa city hall. Sa document na ito makikita ang financial capability ninyo. Kung hindi kayo makakuha ng document na ito, pwede kayong tumawag sa immigration para sa possible alternative.


IMPORTANT REMINDERS:
1. Ang lahat ng mga documents na hindi nakasulat sa Japanese language ay dapat na ipa-translate into Japanese. Kasama ng original document, you should attached the translated Japanese version of it sa likod nito.

2. As a rule, all documents na pinasa ninyo sa immigration for your COE application ay hindi na ibabalik. Kung meron kayong document na ipapasa at need nyo pa ito at meron kahirapan na makakuha ulit ng original copy, sabihin nyo ito agad sa immigration personnel at the time ng pagpasa ninyo ng mga documents.



BC, MC, Cenomar, Red Ribbon, etc. application in PSA/DFA, click here.


Have problem creating your SPA, Authorization Letter, Affidavit, etc. click here.


Need application form for visa application & other legal documents, click here.