Consequences kapag hindi sinunod ang name sa asawa (03/08) 2 Nepalese ryugakusei, huli sa pag-work ng walang legal permit (03/08) Rice buyer, pinapakyaw na ang mga aanihin kahit wala pang tanim (03/08) Thai-jin na babae, huli sa pagnanakaw ng cable wire (03/07) Vietnamese na lalaki, huli sa pagbili ng nakaw na jewelries (03/07)
Planohin mabuti kung uuwi na kayo for good, dahil di magiging madali ang pagbalik ng Japan Mar. 03, 2025 (Mon), 230 views
For your documents translation, contact us here in MALAGO.
Sa recent situation ngayon sa pamumuhay sa Japan kung saan nagtataasan ang mga bilihin ng mga basic needs lalo na ang bigas, mataas na monthly bill ng mga utilities (kuryente, gas at tubig), mababang palitan ng Yen to Peso, siguro pumapasok na sa isip nyo kung uuwi na kayo ng Pinas for good.
Or maybe, meron kayong mga kaibigan at kakilala na nagpa-plano na gawin na ito sa ngayon. Kung may plano na nga kayo, make sure na napag-isipan nyo mabuti at na-evaluate nyo hindi lamang ang present situation nyo ngayon, kundi ang magiging buhay nyo makalipas ang ilang taon.
Nasabi ko ito dahil sa isa sa madalas din na matanggap kung inquiry dito sa MALAGO ay mula sa mga kababayan natin na umuwi before at makalipas ang ilang taon ay nag-nanais na bumalik na muli at dito na lang ulit manirahan sa Japan.
Kung may valid na proper visa pa kayo para makabalik ng Japan, this will be easy to do, pero kung wala na, then it will be nearly impossible dahil hindi magiging madali para makakuha ng valid visa sa Japan immigration para mamuhay muli at mag-trabaho dito sa Japan.
Meron kasing ilan sa mga kababayan natin na after siguro makaipon ng malaking pera, they are eager na umuwi at don magpasarap sa Pinas. Since ang ilan ay wala namang negosyo na naitatayo, walang stable income na pumapasok kaya lahat palabas ang pera and after 2 to 3 years lang, ubos na.
Then mararanasan na muli ang hirap sa Pinas. Yong hirap na kumita ng pera kahit na anong gawin, kaya muling papasok sa isipan na bumalik na lang ng Japan at dito na muli mag-trabaho at manirahan. This is the common issue ng ilang kababayan natin na umuwi before at nag-nanais bumalik ng Japan sa ngayon.
So kung kayo ay nasa situation sa ngayon na nag-iisip na din na umuwi at manirahan sa Pinas for good, think about it many times. Isipin nyo kung ano ang magiging buhay nyo makalipas ang 3 to 5 years. Kung nakikita nyong walang magiging problema, then it will be OK, pero kung doubt kayo, I advise you to stay in Japan.
BC, MC, Cenomar, Red Ribbon, etc. application in PSA/DFA, click here.
Have problem creating your SPA, Authorization Letter, Affidavit, etc. click here.
Need application form for visa application & other legal documents, click here.
|