Consequences kapag hindi sinunod ang name sa asawa (03/08) 2 Nepalese ryugakusei, huli sa pag-work ng walang legal permit (03/08) Rice buyer, pinapakyaw na ang mga aanihin kahit wala pang tanim (03/08) Thai-jin na babae, huli sa pagnanakaw ng cable wire (03/07) Vietnamese na lalaki, huli sa pagbili ng nakaw na jewelries (03/07)
Kamag-anak na lalaki, nagwala sa loob ng izakaya, bata patay May. 14, 2018 (Mon), 4,824 views
For your documents translation, contact us here in MALAGO.
Chiba City. Ayon sa news na ito, isang lalaki ang nagwala sa loob ng izakaya at sunod-sunod na pinagsasaksak at hiniwa ang apat na member ng isang family, at isang bata na 6 years old ang namatay.
Nangyari ang incident kahapon May 13 ganap ng 7PM. Ang mag-asawa, at dalawa nitong anak na babae ay pumunta sa izakaya kasama ang lalaking nagwala sa loob upang kumain at uminom.
Bigla itong naglabas ng patalim at sunod-sunod na pinaghihiwa ang mag-asawa at kasama nilang batang babae. Ang babae na 6 years old, ay sinaksak sa likod. Napurohan ito at namatay after na maisugod sa hospital. Ang isa pang batang babae, 1 year old ay nagtamo lamang ng light injury at ligtas naman sa kapahamakan.
Ang nagwawalang lalaki ay nagawang pigilan ng mga staff at kalalakihan sa loob ng izakaya at ito ay nahuli on the spot.
Ayon sa mga news, ang lalaki ay kapatid ng asawang babae, at ito ay galing ng Okinawa, at hisashiburi silang kumain kasama ang family ng kapatid nya. Dati rin itong isang city councilor. Nanatili itong nanahimik at walang sinasabi kung ano ang naging motibo nya sa kanyang ginawa.
Ayon sa mga pulis, may sinasabi ito at ginagawa na paulit-ulit na hindi nila maintindihan. Sinisiyasat nila kung ito ay planado ng lalaki dahil meron itong dalang patalim bago mangyari ang incident.
BC, MC, Cenomar, Red Ribbon, etc. application in PSA/DFA, click here.
Have problem creating your SPA, Authorization Letter, Affidavit, etc. click here.
Need application form for visa application & other legal documents, click here.
|