Consequences kapag hindi sinunod ang name sa asawa (03/08) 2 Nepalese ryugakusei, huli sa pag-work ng walang legal permit (03/08) Rice buyer, pinapakyaw na ang mga aanihin kahit wala pang tanim (03/08) Thai-jin na babae, huli sa pagnanakaw ng cable wire (03/07) Vietnamese na lalaki, huli sa pagbili ng nakaw na jewelries (03/07)
Japanese na galing sa Pinas, tested positive sa coronavirus Mar. 20, 2020 (Fri), 1,259 views
For your documents translation, contact us here in MALAGO.
Ayon sa news na ito, naitala ng mga kinauukulan ang pangalawang infected sa coronavirus sa Hiroshima prefecture today March 20. Ang pasyente ay isang Japanese na lalaki, company employee, nasa 40's ang age, at ito ay galing sa kanyang business trip sa Pinas.
Ang lalaki ay pumunta ng Pinas noong March 6 at bumalik ng Japan noong March 15. Wala syang nararamdaman na anomang symptoms noong bumalik sya ng Japan at patuloy syang nagtrabaho sa company nila.
Then noong March 17, kasama ang kanyang asawa at anak, pumunta sila ng Yamaguchi prefecture sakay ng kanilang kuruma at nag-stay sa isang facility until the following day, at dito sya nakaramdam ng pagbabago sa katawan nya.
Nagkaroon sya ng lagnat at ubo, at sya ay nagpa-checkup sa isang hospital sa Onomichi City kung saan din sila nakatira, kahapon March 19, at lumabas na positive ang result nya today March 20.
Ang kanyang anak na babae na kasama nya sa pagtravel sa Yamaguchi prefecture ay meronng lagnat din sa ngayon at ito ay sinisiyasat ng mga kinauukulan. Ang lalaki naman ay naka confine sa loob ng hospital at stable ang kalagayan naman nito.
BC, MC, Cenomar, Red Ribbon, etc. application in PSA/DFA, click here.
Have problem creating your SPA, Authorization Letter, Affidavit, etc. click here.
Need application form for visa application & other legal documents, click here.
|