Consequences kapag hindi sinunod ang name sa asawa (03/08) 2 Nepalese ryugakusei, huli sa pag-work ng walang legal permit (03/08) Rice buyer, pinapakyaw na ang mga aanihin kahit wala pang tanim (03/08) Thai-jin na babae, huli sa pagnanakaw ng cable wire (03/07) Vietnamese na lalaki, huli sa pagbili ng nakaw na jewelries (03/07)
Condition sa pagbawi ng Permanent Visa (PV), maaaring mabago Feb. 05, 2020 (Wed), 1,082 views
For your documents translation, contact us here in MALAGO.
Sa mga Permanent Visa holder na mga kababayan natin dito sa Japan, please be aware about this news. Meron mainit na discussion sa ngayon dito sa Japan tungkol sa maaaring pagbago ng condition sa pagbawi ng Permanent Visa sa mga nabigyan na foreigner.
Ang Japan Cabinet Office ay nag-conduct ng public survey at maraming mamamayan dito sa Japan ang pumapayag na baguhin ang condition sa pagbawi ng PV dahil na rin sa marami daw sa ngayon ang mga foreigner na PV holder.
As of now ang tanging rules sa pagbawi ng PV ng isang holder nito ay kung nabistong fake ang kanyang PV application, under Immigration law Section 22-2 maaring bawiin ito sa kanya. At ang isa pa ay ang Section 24 kung saan nasasaad dito na kapag ang isang PV holder ay nakagawa ng crime at need syang ma-deport, mawawala rin ang kanyang pagiging permanent at the same time.
Now, sa bagong panukala nila, tinatanong sa survey nila kung nais ba ng mamamayan na mabawi ang PV ng isang foreginer kapag hindi na sya eligible sa mga requirements after na mabigyan sila nito. Ilan sa mga condition na kanilang ibinigay ay ang mga sumusunod:
(1) Kapag ang isang PV holder ay nakapag-commit ng crime at nahatulan ng mabigat na parusa.
(2) Kapag di na nakakapag-bayad ng tax at social insurance
(3) Kapag naging isang seikatsu-hogo applicant
(4) Kapag ikinasal sa Japanese, then nakakuha ng PV, subalit nag-divorce agad
Sa lumabas na survey, sa number one, meron 81% na sang-ayon dito, at meron namang 73.02% para sa number two condition. Sa mga sumasang-ayon naman sa pagbawi sa PV ng isang holder ay umaabot sa almost 75% ayon din sa news.
Sa paggawa ng survey na ito, malaki ang possibility na babaguhin ng Immigration ang kanilang rules sa pagbawi ng Permanent Visa. Anoman ito, abangan na lamang natin ang magiging bagong guidelines na ito.
BC, MC, Cenomar, Red Ribbon, etc. application in PSA/DFA, click here.
Have problem creating your SPA, Authorization Letter, Affidavit, etc. click here.
Need application form for visa application & other legal documents, click here.
|