Consequences kapag hindi sinunod ang name sa asawa (03/08) 2 Nepalese ryugakusei, huli sa pag-work ng walang legal permit (03/08) Rice buyer, pinapakyaw na ang mga aanihin kahit wala pang tanim (03/08) Thai-jin na babae, huli sa pagnanakaw ng cable wire (03/07) Vietnamese na lalaki, huli sa pagbili ng nakaw na jewelries (03/07)
Pinoy in trainee visa, huli sa attempted murder case May. 30, 2015 (Sat), 1,626 views
For your documents translation, contact us here in MALAGO.
Nagano Prefecture, Kawakami Mura. Ayon sa news na ito from Yumiuri Shimbun, hinuli ng mga pulis ang isang Pinoy na isang trainee sa kasong attempted murder noong May 29 bandang 06:00 AM laban sa isa rin nyang kapwa trainee.
Ang hinuli ng mga pulis ay nakilalang si パティ・ロマン・カルピオ, 23 years old, male, na isang trainee sa isang pinakamalaking lettuce farm here in Japan located in Nagano. Tinangka nitong patayin ang isang Pinoy din na kasama nya at isa ring trainee visa holder sa pamamagitan ng pagtaga nito sa ulo gamit ang itak. Nasa malubhang kalagayan ngayon ang biktima ayon sa report ng pulis.
Ayon sa investigation ng mga pulis, nangyari ang incident noong May 29 bandang hatinggabi kung saan nakatanggap sila ng 110 number emergency calls. Nag-inuman ang mga ito at nagkaroon ng pagtatalo at nauwi sa incident ayon na rin sa pag-amin ng suspect na hinuli ng mga pulis.
Ang lettuce farm na ito sa Nagano ay meron mahigit na 600 foreigner workers na nagtatrabaho sa farm. One third of it ay mga Pinoy at ang mga ito ay nakatira sa isang house na inihanda para sa kanila ng farm owner. Ayon sa farm owner, kilala nya ang mga Pinoy na masiyahin at friendly kung kayat hindi sya makapaniwala na mangyayari ang ganitong incident.
BC, MC, Cenomar, Red Ribbon, etc. application in PSA/DFA, click here.
Have problem creating your SPA, Authorization Letter, Affidavit, etc. click here.
Need application form for visa application & other legal documents, click here.
|