Consequences kapag hindi sinunod ang name sa asawa (03/08) 2 Nepalese ryugakusei, huli sa pag-work ng walang legal permit (03/08) Rice buyer, pinapakyaw na ang mga aanihin kahit wala pang tanim (03/08) Thai-jin na babae, huli sa pagnanakaw ng cable wire (03/07) Vietnamese na lalaki, huli sa pagbili ng nakaw na jewelries (03/07)
Vietnamese na lalaki, huli sa pagnanakaw ng nashi Aug. 29, 2024 (Thu), 306 views
For your documents translation, contact us here in MALAGO.
Ayon sa news na ito, hinuli ng Ibaraki police ang isang Vietnamese na lalaki, age 31 years old, matapos mapatunayang nagnakaw (盗難 tounan とうなん) ito ng mga nashi na malapit ng anihin (収穫 syuukaku しゅうかく) sa isang taniman (畑 hatake はたけ) na umabot sa more than 3,200 piraso.
Meron isang saradong (閉鎖 heisa へいさ) motel sa Ibaraki Kasama City ang napansin ng mga nakatira sa paligid na pinupuntahan ng ilang foreigner (外国人 gaikokujin がいこくじん) daw. Itinawag nila ito sa mga pulis kung kayat inimbistigahan (調査 chousa ちょうさ) at pinasok nila ito.
Dito nila inabutan ang lalaki at nalaman nilang overstayer na din ito at walang passport (旅券 ryoken りょけん) na hawak. Nakita din sa isang taguan nya ang maraming nashi na umaabot na lang sa 1,818 piraso. Meron ding ilang resibo (領収書 ryousyuusyo りょうしゅうしょ) at sulatan kung saan nya ito pinapadala.
Nalaman din ng mga pulis na nagpo-post (投稿 toukou とうこう) ito sa isang SNS Vietnam community kung sino ang gustong bumili ng prutas (果物 kudamono くだもの) at dito nya ito binibenta. Sa dami ng prutas na ninakaw na umaabot sa 87 lapad ang halaga, tinatayang meron pa syang ibang kasama at ito ay sinisiyasat sa ngayon ng mga pulis.
BC, MC, Cenomar, Red Ribbon, etc. application in PSA/DFA, click here.
Have problem creating your SPA, Authorization Letter, Affidavit, etc. click here.
Need application form for visa application & other legal documents, click here.
|