Consequences kapag hindi sinunod ang name sa asawa (03/08) 2 Nepalese ryugakusei, huli sa pag-work ng walang legal permit (03/08) Rice buyer, pinapakyaw na ang mga aanihin kahit wala pang tanim (03/08) Thai-jin na babae, huli sa pagnanakaw ng cable wire (03/07) Vietnamese na lalaki, huli sa pagbili ng nakaw na jewelries (03/07)
Fake JLPT Certificate, dumarami sa ngayon Jan. 26, 2020 (Sun), 1,557 views
For your documents translation, contact us here in MALAGO.
Ayon sa news na ito from Yomiuri Shimbun, dumarami sa ngayon ang mga fake na JLPT(Japanese Language Proficiency Test) certificate na ginagamit mostly ng mga ryuugakusei upang makapag-aral at makapag trabaho dito sa Japan.
Sa pamamagitan ng SNS, marami ang nagbibenta nito sa mga nagri-request na mga foreigner dito sa Japan at dahil dito, nagiging malaking problem ito ng JLPT organizers kung ano ang magiging countermeasure nila.
Ayon sa na-interview na Vietnamese na babae ng nasabing newspaper company, ginagawa na daw nila ang pagbibenta 5 years ago na ang nakakaraan at di na na nila rin mabilang kung ilan na ang naibenta nila. Minsan daw ay more than 30 request ang kanilang natatanggap in 1 month.
Ang fake certificate request order ay mostly natatanggap nila sa Facebook, then pinapagawa nila ito sa kakilala nila sa China mismo dahil kayang gumawa ng mga ito ng almost the same ng original certificate, at nagugustuhan din ito ng mga customer.
Before, nasa 15,000 YEN ang presyo ng isang certificate na ito subalit recently, ito ay naging 8,000 YEN na lamang daw dahil sa marami ng rival groups ang gumagawa nito.
Ang malakas daw na demand ay ang N2 level na mostly hinahanap ng mga company sa mga foreigner kapag gusto nilang employ ito, then ang N4 level din daw para naman sa mga gustong mag-arubaito lamang na foreigner. Sa pagbigay lamang ng picture, name at address ng nag-request, kaya na nilang ibigay at deliver daw ang certificate makalipas ang 1 week.
Ang fake at real certificate ay mahirap ma-identify ang pagkakaiba kung kaya nahihirapan din ang mga company na ma-check ito. Dahil sa dumaraming case ng gumagamit ng fake JLPT certificate, ang organizer nito ay nag-iisip sa ngayon kung ano ang magiging countermeasure nila upang ma-identify ang original sa mga fake certificate na kumakalat sa ngayon ayon sa news.
BC, MC, Cenomar, Red Ribbon, etc. application in PSA/DFA, click here.
Have problem creating your SPA, Authorization Letter, Affidavit, etc. click here.
Need application form for visa application & other legal documents, click here.
|