Consequences kapag hindi sinunod ang name sa asawa (03/08) 2 Nepalese ryugakusei, huli sa pag-work ng walang legal permit (03/08) Rice buyer, pinapakyaw na ang mga aanihin kahit wala pang tanim (03/08) Thai-jin na babae, huli sa pagnanakaw ng cable wire (03/07) Vietnamese na lalaki, huli sa pagbili ng nakaw na jewelries (03/07)
Magnanakaw ng rolex sa pawnshop, huli ng mga pulis Aug. 28, 2019 (Wed), 1,030 views
For your documents translation, contact us here in MALAGO.
Tokyo Shinjuku. Ayon sa news na ito, nahuli ng mga pulis ang magnanakaw ng rolex sa isang pawnshop sa lugar na nabanggit kung saan itinakbo nila ito. Ang hinuli ng mga pulis ay dalawang lalaki, age 30 and 21 years old.
Nangyari ang incident noong August 26 ganap ng 3PM. Ang rolex na nagkakahalaga ng 282 lapad ay kanilang itinakbo matapos na ipakita at iabot sa kanilang ng staff.
Makalipas ang mahigit 3 hours, ang dalawang salarin ay pumunta sa isa ring pawnshop sa Ginza upang ibenta ang kanilang ninakaw. Wala silang maipakitang warranty at box nito kung kayat nagduda ang staff. Nakita rin sila na parang di mapakali kung kayat siniyasat ng staff ang serial number nito at dito nya nalaman na nakaw pala ang relo.
Agad syang tumawag ng mga pulis at dito nahuli ang dalawang lalaki. Inaamin naman nila ang charge laban sa kanila at ayon sa mga ito, kinailangan daw nila ang pera. Ang dalawa ay nagkakilala lamang sa SNS at nagkita lamang noong gagawin na nila ang pagnanakaw.
BC, MC, Cenomar, Red Ribbon, etc. application in PSA/DFA, click here.
Have problem creating your SPA, Authorization Letter, Affidavit, etc. click here.
Need application form for visa application & other legal documents, click here.
|