Consequences kapag hindi sinunod ang name sa asawa (03/08) 2 Nepalese ryugakusei, huli sa pag-work ng walang legal permit (03/08) Rice buyer, pinapakyaw na ang mga aanihin kahit wala pang tanim (03/08) Thai-jin na babae, huli sa pagnanakaw ng cable wire (03/07) Vietnamese na lalaki, huli sa pagbili ng nakaw na jewelries (03/07)
Japanese na nang-hostage, tumalon mula sa 7th floor, patay Jan. 19, 2017 (Thu), 3,349 views
For your documents translation, contact us here in MALAGO.
Fukuoka City. Ayon sa news na ito, isang Japanese man, na nasa thirties ang nang-hostage sa loob ng hotel kung saan sya naka-stay at saka tumalon mula sa 7th floor na syang ikinamatay nito.
Nangyari ang incident kahapon January 18 ganap ng 4AM ng madaling araw sa isang hotel sa lugar na nabanggit. Ang lalaki na naka-stay sa isang room sa 7th floor ay tumawag sa front desk at meron itong ina-angal. Pinuntahan ito ng isang babaeng staff sa loob ng room subalit hindi na nya ito pinalabas.
Nag-alala ang isa pang staff na babae at pinuntahan nya rin ito sa room subalit nadamay din ito. Makalipas ang ilang sandali, pinalabas nya ang isang babae at nakuha ito ng mga pulis. Mahigit isang oras na kinausap ng mga pulis ang lalaki upang pakawalan nya ang hostage subalit hindi ito nakikinig.
Nang akma nang papasukin ng mga pulis ang room, bigla itong tumalon sa bintana ng room kung saan sya naka-stay. Masama ang pagkabagsak nito at nawalan ng malay agad. Isinugod sya sa hospital subalit namatay din makalipas ang ilang sandali ayon sa mga pulis. Hindi pa alam ng mga pulis kung ano ang naging motibo ng lalaki sa kanyang ginawa ayon sa news.
BC, MC, Cenomar, Red Ribbon, etc. application in PSA/DFA, click here.
Have problem creating your SPA, Authorization Letter, Affidavit, etc. click here.
Need application form for visa application & other legal documents, click here.
|