Consequences kapag hindi sinunod ang name sa asawa (03/08) 2 Nepalese ryugakusei, huli sa pag-work ng walang legal permit (03/08) Rice buyer, pinapakyaw na ang mga aanihin kahit wala pang tanim (03/08) Thai-jin na babae, huli sa pagnanakaw ng cable wire (03/07) Vietnamese na lalaki, huli sa pagbili ng nakaw na jewelries (03/07)
Chinese woman napatay sa Domestic Violence ng kanyang asawa Sep. 04, 2017 (Mon), 5,082 views
For your documents translation, contact us here in MALAGO.
Aichi Okazaki City. Ayon sa news na ito, isang lalaki, age 37 years old, haken employee ang hinuli ng mga pulis sa charge na murder matapos nitong mapatay ang kanyang asawang Chinese, age 31 years old. Nangyari ang incident noong September 1 ganap ng 1:45 ng madaling araw sa tinitirahan nilang Shiei Juutaku sa lugar na nabanggit.
Nakatanggap ng tawag ang mga pulis mula sa salarin mismo at agad nilang pinuntahan ang bahay nila at dito nila nakitang duguan ang babae. Nagtamo ng maraming saksak sa dibdib ang babae, na syang ikinamatay nito. Inaamin ng asawa ang pagpatay sa babae kung kayat hinuli rin nila ito on the spot. Nagtamo rin ng sugat ang lalaki sa kanyang leeg at kanang kamay subalit ligtas naman ito sa kapahamakan ayon sa news.
Ayon sa Okazaki police station at Okazaki City Hall, ang biktimang babae ay lumapit at nag-consult sa kanila tungkol sa sinasapit nyang DV sa asawa nya noong August 28 and after na makita nila ang situation ng babae, binigyan nila ito ng advise na wag ng umuwi at pinag-stay nila ito sa isang hotel on that day.
Then kinabukasan August 29, pinayuhan nila itong manatili sa shelter na ipo-provide ng local city hall subalit hindi pumayag ang babae at ito ay piniling umuwi sa kanilang bahay. Pinuntahan din ng mga pulis ang asawa nito at pinagsabihan lang tungkol sa ginagawa nitong pananakit sa asawa na hindi naman umaamin.
Ayon sa Okazaki city hall, nanghihinayang sila sa sinapit ng babae. Maaaring hindi sana ito nangyari kung pinili nyang manatili sa shelter at sa advise na kanilang ibinigay sa biktima bago mangyari ang incident.
BC, MC, Cenomar, Red Ribbon, etc. application in PSA/DFA, click here.
Have problem creating your SPA, Authorization Letter, Affidavit, etc. click here.
Need application form for visa application & other legal documents, click here.
|