malago logo    Home    About Us    Forum    Portal

Freemium Info


Recent News
Immigration
Overstayer
Crimes & Violence
Illegal Activity
Phil/Government
Work/Company
Marriage
Others
Technology
Pinoy Community
Pinoy News
Accidents & Incidents
Nikkeijin (JaPinoy)
Health Issue
Family Feud
Carework
Sex Offenders
Drug Violation
Minors Crimes
Visa Issue
Divorce
Showbiz
Singapore




Consequences kapag hindi sinunod ang name sa asawa (03/08)
2 Nepalese ryugakusei, huli sa pag-work ng walang legal permit (03/08)
Rice buyer, pinapakyaw na ang mga aanihin kahit wala pang tanim (03/08)
Thai-jin na babae, huli sa pagnanakaw ng cable wire (03/07)
Vietnamese na lalaki, huli sa pagbili ng nakaw na jewelries (03/07)


Pagtanggap ng nenkin ng mga asawa, kinakailangang nakatira dito sa Japan

Nov. 22, 2018 (Thu), 8,082 views


For your documents translation, contact us here in MALAGO.


Bad news lalo na para sa mga asawang tumatanggap sa ngayon ng nenkin outside here in Japan dahil mukhang mababago ang requirements sa pagtanggap ng nenkin sa mga darating na taon.

Ayon sa news na ito, pinag-aaralan sa ngayon ng mga mambabatas dito sa Japan na baguhin ang requirements sa pagtanggap ng nenkin ng mga asawa at simulan agad ang implementation nito sa darating na April 2019 kasabay ng pag-start ng panibagong visa.

Ang mga masasakop lamang nito ay ang tinatawag na 第3号被保険者 (CATEGORY III Insured). Ito ay ang mga asawa ng mga nenkin contributors na nagtatrabaho sa mga company or kanilang employer, na naging insured automatically dahil dependent sila ng kanilang asawa.

Pinanunukala nila sa magiging bagong batas na ang mga asawang ito ay dapat na nakatira dito sa Japan bilang condition sa pagtanggap ng nenkin. Hindi daw dapat sila tatanggap kung wala naman sa Japan ang foundation ng kanilang pamumuhay.

Balak nilang ang condition ay gawin ding pareho sa kenkou hoken (health insurance) na nagagamit lamang kung nandito sa Japan ang person mismo.



BC, MC, Cenomar, Red Ribbon, etc. application in PSA/DFA, click here.


Have problem creating your SPA, Authorization Letter, Affidavit, etc. click here.


Need application form for visa application & other legal documents, click here.