malago logo    Home    About Us    Forum    Portal

Freemium Info


Recent News
Immigration
Overstayer
Crimes & Violence
Illegal Activity
Phil/Government
Work/Company
Marriage
Others
Technology
Pinoy Community
Pinoy News
Accidents & Incidents
Nikkeijin (JaPinoy)
Health Issue
Family Feud
Carework
Sex Offenders
Drug Violation
Minors Crimes
Visa Issue
Divorce
Showbiz
Singapore




Work in Japan as Nurse or Careworkers under JPEPA, application is open now (04/19)
Nahospital sa pag-take ng Kobayashi supplement, umabot na sa 236 katao (04/19)
Buwan ng Mayo, pinakaraming nahuhulog na bata sa Tokyo area (04/19)
Tourist in Japan last March, umabot sa 3 Million (04/18)
Lalaki, huli sa paninipang bigla sa 2 years old kid (04/18)


Last will testament, pwede nang ipatago sa Ministry of Justice

Jul. 10, 2020 (Fri), 983 views


For your documents translation, contact us here in MALAGO.


Sa mga kababayan natin here in Japan na meron Japanese family, may asawa or anak na Japanese, be aware about this news.

Ayon sa news na ito, sinimulan na today July 10 ang pag-tanggap ng Japan Ministry of Justice sa mga last will testament na gustong ipatago or ipahawak sa kanila ng mga mamamayan dito sa Japan upang maiwasan ang anomang maging problema sakaling biglang pumanaw ang nagpatago nito sa kanila.

Ang last will testament ay pwedeng gawin personally ng gustong gumawa nito at pwede nyang itago sa bahay nya na hindi need ang pagpapanotaryo. The problem is kapag nakita ito ng family nya, na maaaring baguhin ang nilalaman sakaling biglaang pumanaw ang nagsulat nito, na syang nagiging problem ng marami sa ngayon dito sa Japan.

Upang maiwasan ang anomang magiging problem sa mga naiwang ari-arian at paghahati-hati nito na ayon sa ginawang last will testament ng pumanaw na tao, sinimulan nila ang service na ito. Need lamang magbayad ng 3,900 YEN upang maipatago sa kanila ang document na nabanggit.

Ang last will testament na hahawakan ng nasabing ministry ay kanilang itatago ang hard copy nito at pati na rin ang electronic file. Then in case na pumanaw ang may ari nito, ang naiwan nyang family ay maaaring mag apply ng confirmation sa kanila kung meron itong naitagong last will testament.

Kapag nag request ang isang family nito na ipakita sa kanya ang nilalaman, ang lahat ng taong identified sa last will testament ay bibigyan or padadalhan din nila ng notice tungkol dito ayon sa news.



BC, MC, Cenomar, Red Ribbon, etc. application in PSA/DFA, click here.


Have problem creating your SPA, Authorization Letter, Affidavit, etc. click here.


Need application form for visa application & other legal documents, click here.