malago logo    Home    About Us    Forum    Portal    MyProfileLog InSign Up

Freemium Info


Recent News
Immigration
Overstayer
Crimes & Violence
Illegal Activity
Phil/Government
Work/Company
Marriage
Others
Technology
Pinoy Community
Pinoy Crime
Accidents & Incidents
Nikkeijin (JaPinoy)




Kids Week, panibagong renkyuu na isasabatas ng Japan (05/23)
Dalawang magkasunod na snatching incident, nangyari na naman sa Saitama (05/23)
Convini, pinasok ng holdaper, 180 lapad natangay (05/23)
Convini, naholdap ng lalaki, 48 lapad natangay (05/21)
3 babae, tinangkang patayin ng isang lalaking may dalang gunting (05/21)


Teenager, huli sa pagsaksak sa bagong asawa ng kanyang nanay

Dec. 19, 2016 (Mon)


Chiba Yotsukaido City. Isang Japanese teenager na lalaki, 14 years old, Junior high school ang hinuli ng mga pulis sa charge na attempted murder matapos nitong masaksak sa ulo gamit ang gunting ang bagong asawa ng kanyang nanay na 24 years old lamang. Ang nanay ng salarin ay 46 years old naman.

Nangyari ang incident kahapon December 18 ng gabi sa loob ng kanilang bahay. Nilagyan sa mata ng pesticide spray ng teenager ang kanyang step father, at saka nito sinaksak sa ulo gamit naman ang gunting ng ilang beses.

Ligtas naman sa kapahamakan ang biktima at nagkaroon lamang ng sugat na kailangan ng gamutan ng mahigit dalawang linggo. Ayon sa nanay na syang tumawag ng pulis, hindi talaga magka-unawaan ang dalawa at ayaw sa isat isa noon pa.