malago logo    Home    About Us    Forum    Portal

Freemium Info


Recent News
Immigration
Overstayer
Crimes & Violence
Illegal Activity
Phil/Government
Work/Company
Marriage
Others
Technology
Pinoy Community
Pinoy News
Accidents & Incidents
Nikkeijin (JaPinoy)
Health Issue
Family Feud
Carework
Sex Offenders
Drug Violation
Minors Crimes
Visa Issue
Divorce
Showbiz
Singapore




Kuryente at Gas, muling magtataas ngayong May (05/06)
Mister Donuts, magtataas ng presyo simula July (05/06)
CostCo at Minami Alps City, to open April 2025 (05/06)
Moyashi, nagtataas na din ng presyo sa ngayon (05/06)
Population ng 15 year old below na bata, bumaba na naman (05/05)


Kumiai na nireklamo ng 2 Pinay trainee, umapela

Jul. 01, 2023 (Sat), 155 views


For your documents translation, contact us here in MALAGO.


Kagoshima Makurazaki City. Ayon sa news na ito, naglabas ng formal na pahayag sa mass media ang kanri dantai at kumiai na ini-reklamo ng dalawang kababayan nating Pinay trainee dahil daw sa di magandang treatment sa kanila.

Una, tungkol sa privacy space na iniri-reklamo nila, inaamin nila ang pagkakamali nila dito dahil wala sa standard specification ang kanilang naibigay na space para sa kanila. Ang reason nila dito ay sinunod pa din nila ang rules that was implemented noong year 2017 na nasa 3 sq. meter lamang.

Sa ngayon ito ay dapat na nasa 4.5 sq meter above. Wala ding naibigay na correction tungkol dito ang nag-inspect ng facility nila. Sa ngayon ito ay binabago na nila at ginagawa ang improvement ng privacy space para sa mga trainee.

Para naman sa pagpapahubad sa isang kababayan natin na violation daw ng human rights nya, naglabas din sila ng statement tungkol dito at hindi nila ito sinasabing violation.

Ayon sa statement nila, noong nagsabi ang isang kababayan natin na maaaring meron syang hemorrhoid, kinausap sya ng staff ng kumiai na babae na ipakita nya ito. Ang reason daw ng staff dito ay dahil sa gusto daw nito ng gamot, subalit ayaw nyang magpa-tingin sa hospital.

Hindi din nito masagot kung ano ang nararamdaman nya kahit na tanungin nila, at para malaman nila kung anong tamang gamot ang dapat ibigay nais nilang makita mismo ang parteng nananakit. Naging considerate din daw ang staff ng tingnan nya ito, kung kayat hindi ito masasabing human rights violation.



BC, MC, Cenomar, Red Ribbon, etc. application in PSA/DFA, click here.


Have problem creating your SPA, Authorization Letter, Affidavit, etc. click here.


Need application form for visa application & other legal documents, click here.