malago logo    Home    About Us    Forum    Portal

Freemium Info


Recent News
Immigration
Overstayer
Crimes & Violence
Illegal Activity
Phil/Government
Work/Company
Marriage
Others
Technology
Pinoy Community
Pinoy News
Accidents & Incidents
Nikkeijin (JaPinoy)
Health Issue
Family Feud
Carework
Sex Offenders
Drug Violation
Minors Crimes




5 years old girl, nahagip ng malaking trailer, patay (09/15)
Pitong katao, sunod-sunod na hinagip ng taxi sa Nagoya (09/15)
Matandang babae, biglang sinaktan ng di kakilalang lalaki (09/15)
Suspect sa pagpatay sa babae sa hotel, di pa rin nahuhuli (09/14)
Babae, huli sa pag-smuggle ng 1 kilo na droga na ininom nya (09/14)


2 months old baby, nawalan ng ulirat matapos na magkamali ang doctor

Feb. 15, 2018 (Thu), 1,802 views


For your documents translation, contact us here in MALAGO.


Osaka City. Ayon sa news na ito, nasa malubhang kalagayan sa ngayon ang isang 2 months old baby girl, at wala pa ring ulirat until now, matapos na matanggal ng doctor ang tube na tumutulong sa kanyang paghinga.

Nangyari ang incident na ito noong September last year 2017 sa isang malaking hospital sa Osaka. Ang bata na meron kapansanan sa puso ay kanilang inoperahan at dahil sa hirap ito sa paghinga, nilagyan nila ito ng isang tube na tumutulong sa respiration ng bata.

Nang titingnan ng doctor na lalaki ang condition ng paghinga nya, tinanggal nya pansamantala ang tube na nakapasok sa trachea ng bata, subalit nang ibinalik nya ito, sa esophagus nya ito nailagay at hindi sa dating kinakabitan. Dahil dito, mahigit 30 minutes na nag-stop ang puso ng bata ayon sa hospital.

Nagawa nilang masagip ang buhay ng bata, subalit dahil sa walang pumasok na hangin sa ulo nito for more than 30 minutes, nagkaroon ito ng pinsala sa ulo at hindi pa rin nagkakamalay until now.

Nanghingi ng apology ang hospital sa mga parents nito, at plano nilang bayaran ang damage na nagawa nila sa kanilang anak ayon sa news.



BC, MC, Cenomar, Red Ribbon, etc. application in PSA/DFA, click here.


Have problem creating your SPA, Authorization Letter, Affidavit, etc. click here.


Need application form for visa application & other legal documents, click here.