Consequences kapag hindi sinunod ang name sa asawa (03/08) 2 Nepalese ryugakusei, huli sa pag-work ng walang legal permit (03/08) Rice buyer, pinapakyaw na ang mga aanihin kahit wala pang tanim (03/08) Thai-jin na babae, huli sa pagnanakaw ng cable wire (03/07) Vietnamese na lalaki, huli sa pagbili ng nakaw na jewelries (03/07)
Sports Fest of Filipino Community in Gifu Feb. 12, 2016 (Fri), 3,239 views
For your documents translation, contact us here in MALAGO.
Gifu Toki City. Ayon sa news na ito from Chunichi Shimbun, meron isang Sports Fest na isinasagawa ang mga kababayan natin sa Gifu Toki City at more than 100 Pinoy ang sumasali dito sa ngayon. Meron silang Basketball and Volleyball competition and fund raising na isinasagawa at the same time.
Karamihan sa mga kasali dito ay mga nagtatrabaho sa mga car factory, ceramics products factory, atbp kasama ang kanilang mga pamilya. Ang laro ay ginagawa tuwing Sunday around 7PM sa isang sports gym sa Dachi Town, Toki City, Gifu Prefecture. Ang event ay nagiging malaking tulong para sa mga kababyan natin sa Gifu dahil dito sila nakakapag-halubilo sa isat isa.
Ayon sa news, si ENRICO WATANABE, 51 years old, isang company employee sa Toki City ang syang naging daan upang maisagawa ang event na ito. Dati ay nagsasagawa lamang sila ng Christmas Party, subalit dahil sa request ng iba na gustong magpapawis at igalaw ang kanilang mga katawan, naisipan nilang isagawa ang event na ito at sinimulan nilang gawin five years ago na.
Sa ngayon, ang basketball league nila ay sinasalihan ng mahigit 120 na Pinoy, at merong 9 team na naglalaban-laban. Ang mga Pinay naman ay mahigit 30 katao at kasali sa tatlong team in volleyball competition. Ang competition ay ginagawa hanggang end of February ayon sa news na ito.
Ang group na ito ay nakakaipon nang mahigit 40 to 50 lapad pagkatapos ng competition mula sa donation nang bawat isa na sumasali. Ang naipong pera naman ay binibigay nila sa Philippine UNICEF bilang donation.
BC, MC, Cenomar, Red Ribbon, etc. application in PSA/DFA, click here.
Have problem creating your SPA, Authorization Letter, Affidavit, etc. click here.
Need application form for visa application & other legal documents, click here.
|