malago logo    Home    About Us    Forum    Portal

Freemium Info


Recent News
Immigration
Overstayer
Crimes & Violence
Illegal Activity
Phil/Government
Work/Company
Marriage
Others
Technology
Pinoy Community
Pinoy News
Accidents & Incidents
Nikkeijin (JaPinoy)
Health Issue
Family Feud
Carework
Sex Offenders
Drug Violation
Minors Crimes
Visa Issue
Divorce
Showbiz
Singapore




Kuryente at Gas, muling magtataas ngayong May (05/06)
Mister Donuts, magtataas ng presyo simula July (05/06)
CostCo at Minami Alps City, to open April 2025 (05/06)
Moyashi, nagtataas na din ng presyo sa ngayon (05/06)
Population ng 15 year old below na bata, bumaba na naman (05/05)


Kuya na pinatay ang kapatid, parehong galing ng Child Care Facility

Aug. 06, 2021 (Fri), 455 views


For your documents translation, contact us here in MALAGO.


This is an update news tungkol sa kuya, age 17 years old na hinuli sa pagpatay sa kanyang kapatid na babae, age 6 years old sa pamamagitan ng pananakit dito.

Ayon sa mga news sa ngayon, ang magkapatid ay parehong galing sa magkaibang Child Care Facility at nasimula silang magkasamang mamuhay kasama ang kanilang nanay lamang noong April this year.

Ang nasabing facility ay patuloy ang pag-visit sa family at noong huling visit nila noong July 20, wala silang napansing injury sa batang namatay.

Dahil sa walang kakayahan ang kanilang nanay na palakihin sila, napasok sa facility ang batang babae simula ng isinilang ito, then ang kuya naman ay simula ng elementary student sya. Sila ay napunta sa magkaibang facility, at simula nitong April this year, naibalik sila sa kanilang nanay at nagsimulang manirahang magkasama.

Simula noong lumabas ang batang babae, binibisita ng facility personnel ang batang babae sa school nya at ang huling bisita nga nila is noong July 20 at wala silang napansing pagbabago dito.

Ayon naman sa mga pulis, nakatanggap sila ng tawag noong July 21 mula sa isang tao na nakapansin sa dalawang magkapatid na nasa convini, pinuntahan nila ito at inihatid sa kanilang bahay, at wala din silang napansing pagkakaiba sa magkapatid, at kanilang ini-report din ito sa Child Care Facility.

Tinatayang ang pananakit sa kapatid na babae ng kuya ay nasimula noong July 22 hanggang sa matagpuan itong nakahandusay sa kouen. Ang bata ay nagtamo ng more than 100 na pasa at sugat sa katawan ayon sa mga pulis na syang ikinamatay nito.



BC, MC, Cenomar, Red Ribbon, etc. application in PSA/DFA, click here.


Have problem creating your SPA, Authorization Letter, Affidavit, etc. click here.


Need application form for visa application & other legal documents, click here.