Ilang percent ang income tax rate sa ngayon dito sa Japan? Jan. 09, 2018 (Tue), 1,990 views
For your documents translation, contact us here in MALAGO.
First, bago natin discuss ang mga taxes here in Japan, lets take a look first kung magkano or ilang percent ang income tax rate na naisabatas sa ngayon dito sa Japan. Mahalaga itong malaman dahil ito ang nagiging basehan kung magkano ang babayaran ninyong income tax base sa inyong kinitang income.
Ayon sa Japan National Tax Agency, ang income tax rate sa ngayon na ginagamit ay makikita sa table below. Ang income tax rate na ginagamit ay base sa salary bracket at ito ay nahahati sa seven stage. Ito ay kanilang pinairal simula noong year 2015.
Para lubusan ninyong maunawaan, lets make a simple computation ng inyong babayarang income tax kung sakaling ang annual salary ninyo ay nasa 300 LAPAD lamang, at isa kayong single. Ang magiging computation ay magiging ganito.
INCOME TAX = (ANNUAL SALARY * TAX RATE) - TAX DEDUCTION
INCOME TAX = (3,000,000 * 0.10) - 97,500
INCOME TAX = 300,000 - 97,500 = 202,500 YEN
So, kung kayo ay single at sumasahod ng mga 300 LAPAD sa isang taon, ang average INCOME TAX na babayan ninyo sa loob ng isang taon ay umaabot ng more than 20 LAPAD. Maaaring bumaba pa ito depende sa inyong mga deduction na maaaring ma-declare.
Lets try again kung ang sahod nyo naman ay umaabot ng 500 LAPAD. Lets assume also na single kayo at walang mga dependents. The computation will be:
INCOME TAX = (ANNUAL SALARY * TAX RATE) - TAX DEDUCTION
INCOME TAX = (5,000,000 * 0.20) - 427,500
INCOME TAX = 1,000,000 - 427,500 = 572,500 YEN
Sa computation result sa taas, lumalabas na ang inyong income tax na babayaran ay nasa more than 57 LAPAD sa loob ng isang taon kung kayo ay kumikita ng mahigit 500 LAPAD per year.
Ang computation na ito ay sample lamang at maaaring mabago pa ang amount na ito depende sa status ng isang tax payer at mga deduction na maaaring declare nya during nenmatsu chousei.
BC, MC, Cenomar, Red Ribbon, etc. application in PSA/DFA, click here.
Have problem creating your SPA, Authorization Letter, Affidavit, etc. click here.
Need application form for visa application & other legal documents, click here.
|