malago logo    Home    About Us    Forum    News

Portal Top


Requirements sa pag-submit ng Report of Death Sa Philippine Embassy

May. 22, 2019 (Wed), 1,704 views


For your documents translation, contact us here in MALAGO.



After ninyong magawa ang pag-submit ng Report of Death (ROD) sa city hall kung saan namatay ang inyong kapamilya dito sa Japan na Pinoy, kailangan nyo namang magpasa din ng Report of Death sa Philippine Embassy Office.


Remember na kailangan nyong gawin ito WITHIN 30 DAYS daw after na mamatay ang isang Pinoy ayon sa rule ng Philippine Embassy. Ang pag-submit nyo ng ROD sa Philippine Embassy ay mahalaga dahil ito lang ang way para pumasok ang record ng namatay na Pinoy sa NSO/PSA. Kung pumasok na ang record na ito sa NSO/PSA, makakakuha na kayo ng Death Certificate sa Pinas.

Para sa mga kakailanganing requirements ninyo, ito ay ang mga sumusunod:
(1) Report of Death Application Form - makukuha sa Philippine Embassy office
(2) Shibou Todoke no Kisai Jiko (Certificate of Death) - makukuha sa city hall kung saan kayo unang nangpasa ng ROD.
(3) If cremated, Kasou Kyokasyou (Cremation Permit)
(4) Passport or anomang ID ng namatay na tao
(5) Valid Passport of ID ng taong nag-report
(6) Affidavit of Delayed Registration of Death - kung ang pag-report ay isasagawa after 30 days.

Ayon sa website ng Philippine Embassy, ang processing nito ay aabot ng 5 working days. Pwede nyong ipasa ang ROD personally or submit it by post mail subalit kakailanganin na naka-notaryo ang inyong application form. Para sa iba pang detalye, maaaring mag inquire kayo sa Philippine Embassy office directly.



BC, MC, Cenomar, Red Ribbon, etc. application in PSA/DFA, click here.


Have problem creating your SPA, Authorization Letter, Affidavit, etc. click here.


Need application form for visa application & other legal documents, click here.