malago logo    Home    About Us    Forum    News

Portal Top


Important reminders in getting married with Japanese in the Philippines

Apr. 21, 2015 (Tue), 1,408 views


For your documents translation, contact us here in MALAGO.



Kung meron kayong plan na magpakasal sa inyong Japanese partner, make sure na masunod ninyo ang step by step procedure ng pagpapakasal sa kanila sa Pinas bago kayo magpakasal talaga dahil kapag hindi ninyo ito nasunod, malaki ang possibility na magaya kayo sa maraming mga kababayan natin na kinasal sa mga Japanese subalit hindi man lang ma-register sa Japan ang kanilang marriage, hindi makakuha ng visa at hindi makapunta ng Japan.


Nowadays, when it comes to Japanese Spouse Visa, sobrang higpit na ng Japan dahil sa marami ang mga manloloko at imitation marriage. So they are making sure na yong mabibigyan lang nila ng visa ay yong talagang totoo ang kasal, nagsasama at nagmamahalan. Marami pa rin kasi ngayon ang ginagawang way ang pakikipag-kasal sa isang Japanese upang makakuha ng visa at makapag-stay ng matagal sa Japan.

You need to follow this procedure also para malaman mo kung niloloko ka rin ng Japanese partner ninyo. Marami rin kasing Japanese now ang meron mga asawa dito sa Japan na itinatago nila ang kanilang marriage status upang mapaniwala ang isang Pinay at makuha ang kanilang gusto. Karamihan sa mga ito ay hindi nila ipapa-register ang inyong kasal sa Japan kahit na kayo ay kasal pa sa Pinas at maglalaho na lamang bigla. So kapag napasok kayo sa ganitong situation, malaki ang magiging problem nyo lalo na kung gusto ninyong ibalik sa pagka-single ang status ninyo.

Kung kayo ay nagpa-plano na magpakasal dito sa Japan, it is also possible at maaari kayong maikasal subalit ito ay hindi nangangahulugan na mabibigyan kayo ng visa. Kadalasan now ay hindi binibigyan ng visa ng immigration at pinapauwi ang babae sa Pinas at doon pinaghihintay na mailabas ang COE para makapag-apply ng Japanese Spouse Visa. So, mas better at pinakamadaling paraan now ay ang pagpapakasal sa Pinas ayon na rin sa sinasabi ng karamihan.



BC, MC, Cenomar, Red Ribbon, etc. application in PSA/DFA, click here.


Have problem creating your SPA, Authorization Letter, Affidavit, etc. click here.


Need application form for visa application & other legal documents, click here.