malago logo    Home    About Us    Forum    News

Portal Top


Requirements of Working Visa application with COE

Jan. 11, 2019 (Fri), 3,421 views


For your documents translation, contact us here in MALAGO.



Kung nakakuha na ang inyong employer or company ng COE(Certificate of Eligibility) para sa inyong WORKING VISA(WV) application sa Japanese Embassy sa Pinas, then it will be very easy for you na mag-apply ng WV. Ang dapat lang na gawin ng inyong employer ay ipadala sa inyo ang COE agad para mai-apply ninyo ang inyong WV to work legally here in Japan.


Sa pag-apply ninyo ng WV, mostly, halos wala na kayong dapat na submit na mga documents mula sa inyong employer. Ang need nyo lamang ay ang inyong Philippine Passport, Visa Application Form, ang inyong COE, at picture ninyo.

Para sa detalye ng complete list ng documents you need to submit, click nyo lamang ang link sa baba. Mula ito sa official website ng Japanese Embassy sa Pilipinas.

List of documents needed for WORKING VISA application, click here.

Ang application ng inyong WV ay magiging madali at maaaring lumabas agad ang result dahil meron kayong COE na ipapasa. Kaya magiging mabilis ito ay sa kadahilanang na evaluate na sa Japan immigration side ang inyong application sa pagkuha ninyo ng COE, lalo na ang credibility ng inyong employer or company that hired you.

To apply for WV, ipasa nyo lamang ang inyong applicatin sa mga accredited agency ng Japanese Embassy sa Pinas. Kung meron mang kailangang additional documents na kakailanganin ang Japan Embassy, idadaan nila ito sa accredited agency nila na sya namang tatawag sa inyo upang malaman ninyo.

Lastly, habang naghihintay kayo ng result ng inyong WV application, maaaring kumuha na rin kayo ng OEC(Overseas Employment Certificate) sa POEA/OWWA na kakailanganin ninyo sa paglabas sa Pinas bilang OFW. Pag lumabas na ang inyong WV at meron na rin kayong hawak na OEC, then its time to travel to Japan.

Welcome to Japan and good luck to your work!



BC, MC, Cenomar, Red Ribbon, etc. application in PSA/DFA, click here.


Have problem creating your SPA, Authorization Letter, Affidavit, etc. click here.


Need application form for visa application & other legal documents, click here.