malago logo    Home    About Us    Forum    News

Portal Top


Agency you can apply in the Philippines for housekeeper bound to Japan

Jul. 28, 2016 (Thu), 396 views


For your documents translation, contact us here in MALAGO.



Sa mga nagtatanong ng mga agency hiring for housekeeper bound to Japan, this news is for you. Kung kayo ay meron ng housekeeper training certificate na nakuha mula sa TESDA, then lucky for you dahil eligible na kayong mag-apply for this work. The problem lang is mataas ang competition sa dami ng nag-aapply at kunti pa lang ng demand or opening so goodluck na lang sa mga mapipili. Sa mga nag-apply na last year when we post their job opening here, congrats po sa inyo at baka ang iba sa inyo ay mapapasama sa first batch.


According to this news, isa sa mga nabigyan na ng permit ng Kanagawa prefecture to start dispatching Pinoy housekeeper in their place which is PASONA tied up with one agency in the Philippines para mag-hire ng mga housekeeper that they will dispatch here in Japan. This agency is the MAGSAYSAY GLOBAL SERVICE (MGS). Their address, homepage, contact information and location and POEA license status is shown below.

Sila ay nakipag joint agreement sa MGS dahil meron na itong pangalan sa Pinas at magandang record sa pagpapadala ng mga Pinoy overseas workers sa ibang bansa hindi lamang mga DH pati na rin mga engineers ayon sa news na ito.

Ang PASONA company ay kukuha ng mga 30 katao to be the first batch of housekeeper na magtatrabaho sa kanilang company here in Japan and they are in final selection stage. They will employ the housekeeper as a CONTRACT EMPLOYEE, train them in the Philippines and Japan side as a housekeeper. Kinakailangan din nilang mag-aral ng Japanese language to learn basic Japanese communication na kinakailangan sa trabaho. Ang titirahan nila dito sa Japan will be provided also by PASONA and work will be limited during weekdays ayon sa news na ito.

Target ng PASONA na mag-employ ng mahigit 1,000 na Pinoy after 3 years at ito ay possible dahil hindi lamang sa housekeeper nila balak dispatch ang mga worker na kukunin nila kundi pati na rin sa Babysitter field at pagiging English teacher ng mga bata. Ito ay maisasakatuparan depende sa magiging result and performance ng mga unang batch of workers na kukunin nila ayon sa news na ito.


MAGSAYSAY GLOBAL SERVICES ,INC.( FOR:MLI RESOURCES INC.)
Private Employment Agency
UNIT SV-1A, 7F, TIMES PLAZA BLG, U.N. AVE COR TAFT ERMITA, MANILA
Tel No/s : 567-2222 LOC 3771/ 0917-8638652 (mobile)
Email Address : louie.alba@magsaysay.com.ph
Website : www.magsaysaypeople.com
Official Representative : MARLON R. RO
POEA License Status : Valid License
POEA License Validity : 3/18/2014 to 3/17/2018



BC, MC, Cenomar, Red Ribbon, etc. application in PSA/DFA, click here.


Have problem creating your SPA, Authorization Letter, Affidavit, etc. click here.


Need application form for visa application & other legal documents, click here.